COVID-19 positive na naka-home quarantine, lumabas parin at nagtungo sa Pag-Ibig office

COVID-19 positive na naka-home quarantine, lumabas parin at nagtungo sa Pag-Ibig office

- Lumabas pa rin ang isang COVID-19 patient kahit ito ay naka-home quarantine na sa Laguna

- Aniya, tinawagan daw siya ng Pag-ibig fund kaya nagtungo siya sa opisina nito

- Agad naman siyang sinundo ng Calamba Public Safety and Order office dahil labis na delikado ang kanyang ginawa

- Kung nagpumilit pa itong umuwi, maaring makasuhan pa ito ng kanilang barangay sa peligrong dinala nito sa lugar na pinuntahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lumabas para pumila sa isang government office ang isang COVID-19 patient na naka-home quarantine sa Laguna.

Nalaman ng KAMI na tinawagan daw umano ng Pag-ibig Fund office ng kanilang lugar ang nagpositibo ng COVID kaya naman daw siya nagpunta sa opisina nito.

Agad naman siyang sinundo ng Calamba Public Safety and Order office dahil labis na delikado ang kanyang ginawang paglabas kahit pa mas mabuti ang pakiramdam nito kumpara sa ibang tinatamaan ng COVID-19.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

COVID-19 positive na naka-home quarantine, lumabas parin at nagtungo sa Pag-Ibig office
COVID-19 in the Philippines (Photo credit: Eric Sales/ Flickr)
Source: UGC

Ayon sa ulat ng GMA News, mismong ang hepe ng pulisya ng Calamba Poso ang kumausap sa pasyente. Sinabi nitong hihimukin niya ang barangay ng pasyente na sampahan ito ng kaso sakaling ipilit pa nitong umuwi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Idiniretso na ang COVID-19 patient sa quarantine facility ng lugar gayung nilabag na niya ang pagkakataong manatili na lamang siya sa kanilang tahanan at doon magpagaling.

Agad na ring nagsagawa ng contact tracing sa lahat ng mga posibleng nakasalamuha ng babae lalo na sa tanggapang pinuntahan nito.

Makalipas ang mahigit isang taon, patuloy pa ring nanalasa ang COVID-19 sa buong mundo.

Sa Pilipinas, bagaman at marami na ang nababakunahan kontra COVID-19 ay mataas pa rin umano ang bilang ng mga nagpopositibo araw-araw base sa datos na inilalabas ng Department of Health.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Dahil dito, ipinatutupad ang mga granular lockdown sa ilang mga kalye at barangay sa NCR kahit general community quarantine na ang lugar.

Mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at madalas na disinfection.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica