Nurse sa natanggap na special risk allowance: "I honestly do not know what went wrong"

Nurse sa natanggap na special risk allowance: "I honestly do not know what went wrong"

- Ibinahagi ng isang nurse ang natanggap niyang special risk allowance mula buwan ng Disyembre 2020 hanggang June 2021

- Makikita na hindi kalakihan ang halaga nito at aminado siyang hindi niya alam kung paano ito nangyari

- Hindi lamang umano siya nag-iisa sa marami pang mga medical frontliners na nadismaya sa kanilang natanggap na allowance

- Gayunpaman, ipinagpapasalamat pa rin daw niyang siya ay malusog, may inspirasyon at nakakakain pa ng tatlong beses sa isang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng nurse na si Gershom Sage Reyes Rivero kung saan naibahagi niya ang halaga ng natanggap niyang 'Special Risk Allowance' mula sa Department of Health.

Makikita sa larawan na Php3,863.63 ang kanyang natanggap na allowance mula Disyembre ng taong 2020 hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.

Dahil dito, aminado si Gershom na isa umano siya sa mga nurse na labis na nadismaya sa hindi inaasahang natanggap.

Read also

Tiktoker na minura si Yorme Isko Moreno, napaiyak habang humingi ng dispensa

Nurse sa natanggap na special risk allowance: "I honestly do not know what went wrong"
Nurses wearing PPE (Photo credit: Wikimedia Commons)
Source: Facebook
"I'm not the only one to say that I was utterly disappointed with how this turned out. I honestly do not know what went wrong."

Marami umanong nakatanggap naman ng tamang halaga ng kanilang allowance subalit marami rin naman ang mababa sa kanilang inaasahang matatanggap.Ang masaklap, mayroon ding mga hindi umano nakatanggap ng allowance.

"The mere fact lang na sa ospital tayo nagtatrabaho at naghahandle ng pasyente is already a risk. Wala ka na ngang hazard pay, parang pinagkait pa sayo yung SRA."

Gayunpaman, malaki pa rin ang ipinagpapasalamat ni Gershom na sa kabila ng panganib ng kanilang trabaho, nananatili pa rin siyang malusog at walang sakit.

"Probably the big take away here is I'm still healthy, my family is safe, may nakakain naman ako 3x a day at may inspirasyon sa araw araw. So salamat padin!"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ina ni Marjorie Abastas, sinabing alas 3 ng madaling araw nag-umpisang magluto

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdami ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa sa kabila ng dami ng taong mga nababakunahan na.

Dahil dito, buwis-buhay pa rin ang mga medical frontliners na patuloy ang pagseserbisyo sa mga pagamutan na unti-unti na namang napupuno.

Matatandaang nito lamang Abril, isang nurse mula Lucena City ang nagpasilip din ng natanggap na halaga ng special risk allowance.

Hiling ng iba sa kanila na mabigyan sila ng tama at sapat na halaga ng allowance lalo na bilang sila ang frontliners sa laban nating kontra COVID-19.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica