Mga pasyenteng naka-oxygen, kinailangang maghintay sa labas ng isang ospital sa Cebu

Mga pasyenteng naka-oxygen, kinailangang maghintay sa labas ng isang ospital sa Cebu

- Kinailangang maghintay ng mga pasyenteng naka-oxygen sa labas ng isang pribadong ospital sa Cebu

- Kinailangangang isara ang lansangan sa harap ng ospital upang malimitahan ang mga taong maaring dumaan doon

- Karamihan umano sa sintomas ng mga pasyenteng naroroon sa labas ng ospital ay nakakaranas ng ubo at hirap sa paghinga

- Gayunpaman, hindi pa kumpirmado kung positibo sa COVID-19 ang mahigit 30 mga pasyenteng nasa labas ng ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot sa mahigit 30 mga pasyente ang naghintay sa labas ng isang pribadong ospital sa Cebu ang nakararanas ng ubo at hirap sa paghinga. Kaya naman, makikita sa mga litratong ibinahagi sa social media na marami sa kanila ang may gamit na oxygen tank.

Mga pasyenteng naka-oxygen, kinailangang maghintay sa labas ng isang ospital sa Cebu
Photo from Romeo Marantal and Aldo Banaynal (The Freeman)
Source: Facebook

Sa mga litratong ibinahagi ng sa Facebook Page ng The Freeman, makikita ang mga oxygen tank na nakalagay malapit sa mga pasyente at ang iba ay sa tabi ng mga sasakyan na lulan ang mga pasyente.

Read also

Mader Sitang, muling sumailalim sa pagpaparetoke kamakailan

Ayon sa ulat ng Sunstar, inaasikaso naman ng mga doktor at nurse ang mga pasyenteng naghihintay na ma-i-admit sa loob ng pagamutan.

Kasalukuyang nakasara ang kalsada sa tapat ng ospital upang malimitahan ang mga taong makakapunta doon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

Read also

Tiktoker na minura si Yorme Isko Moreno, napaiyak habang humingi ng dispensa

Matatandaang buwan ng Abril nang umabot na sa mahigit isang milyon ang naitalang kaso ng COVID sa bansa.

Buwan ng Enero ng taong 2020 nang ianunsiyo ng DOH ang unang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate