DOH, kinumpirma ang pinakaunang kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas

DOH, kinumpirma ang pinakaunang kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas

- Kinumpirma mismo ni Health Secretary Francisco Duque III ang pinakaunang kaso ng novel coronavirus sa bansa

- Isang 38-anyos na Chinese national na dumating sa bansa noong Enero 21 ang pinakaunang carrier ng nakamamatay na virus na ito

- Uminda lamang ito ng pag-ubo at agad na nagpa-check up noong Enero 25

- Sinabing nakapunta pa umano ang Chinese na ito sa Cebu at Dumaguete

- Kaya mahigpit nilang inaalam ang lahat ng mga nakasalamuha ng babae maging mga nakasama niya sa flight patungo at pabalik sa dalawang naging destinasyon niya sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 38-anyos na Chinese national ang pinakaunang kimpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas.

Ayon sa CNN Philippines, nagkaroon ng press conference ang Department of Health at mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang nagkumpirma ng kalagayan ng pasyenteng ito na mula mismo sa Wuhan, China.

Dumating sa Pilipinas ang Chinese na ito noong Enero 21.

Uminda lamang siya ng simpleng pag-ubo ngunit agad na nagpatingin sa ospital noong Enero 25.

Sa isinagawang lab test sa Chinese national na mula pa sa Australia, lumabas na positibo ang dayuhang ito sa kinatatakutang nCoV.

Sinasabing nakapagbiyahe pa ito patungong Cebu at Dumaguete. Kaya naman mahigpit na inaalam ngayon kung sino-sino ang kanyang mga nakasalamuha sa mga partikular na lugar na pinuntahan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga nakasama nito sa flight patungo at pabalik sa Cebu at Dumaguete ay inaaalam na rin upang maobserbahan.

"The patient sought consult and was admitted in one of the country’s government hospitals last Jan. 25 after experiencing mild cough. She is currently asymptomatic… which means she has no fever, and no other signs and symptoms suggesting illness at this point," dagdag pa ni Duque.

Ayon pa kay Duque, makasisigurong gagawin nila ang lahat upang matigil ang pagkalat ng virus na ito sa bansa.

Isa na rito ang pagsuspinde ng issuance of visas para sa mga Chinese nationals.

Kasalukuyang inoobsebahan pa rin ang nasa 23 na pasyente sa buong Pilipinas kung ito nga ba ay pawang mga positibo rin sa nakamamatay na respiratory virus na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel