Doktorang apat na beses na tinamaan ng COVID-19, balik serbisyo pa rin

Doktorang apat na beses na tinamaan ng COVID-19, balik serbisyo pa rin

- Ibihahagi ng isang doktora na apat na beses na siyang tinamaan ng COVID-19

- Una siyang tinamaan noong Abril 2020, sumunod noong Enero ngayong taon at ikatlong beses na nito lamang Mayo

- Isang buwan makatapos ang ikatlong beses na pagkakaroon ng COVID-19, muli siyang nagpositibo

- Imbis na panghinaan ng loob, pinili pa rin niyang magbalik serbisyo at patuloy sa pagtulong sa pagpapagaling ng mga tulad niyang nagpositibo sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi lang isa, hindi rin dalawa at 'di lamang tatlong beses na tinamaan ang doktora na si Jennifer Gaspar ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na apat na beses na nagkaroon ng COVID-19 si 'Doc Jen' sa loob ng isang taon.

Sa kanyang post, ikinuwento niyang noong Abril 2020 nang una siyang tinamaan ng virus. Dalawang linggo rin siyang namalagi sa ospital dahil dito.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Doktorang apat na beses na tinamaan ng COVID-19, balik serbisyo pa rin
Photo from Pixabay
Source: Facebook

Sumunod na ay noong Enero 2021 kung saan naospital siya muli ngunit itinuloy ang quarantine sa kanilang tahanan. Subalit nakaramdam siya ng hirap sa paghinga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Apat na buwan ang lumipas, ang inakala niyang UTI ay COVID-19 muli na tumama sa kanya sa ikatlong pagkakataon. Ngunit dahil sa mga natutuklasan nang mga gamot na maaring makatulong upang maibsan ang pahirap ng virus, mabilis siyang naka-recover.

Sa kasamaang palad, makalipas lamang ang isang buwan, muli siyang nagkaroon ng COVID.

Nakatanggap na siya ng paunang dose ng kanyang COVID vaccine na pinaniniwalaan niyang dahilan na wala siyang naramdamang anumang sintomas kahit na nagpositibo pa rin siya.

Matapos na mag-negatibo sa test at makatanggap ng ikalawang dose ng kanyang vaccine, hindi siya natakot at patuloy na bumalik sa sebisyo.

"Here I am, back on duty after my quarantine and receiving my 2nd dose of COVID-19 vaccine. Guys, vaccines work, no matter what the brand is," pahayag ni Doc Jen.

Read also

Vlogger Whamos Cruz, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Kamakailan, isang post ang umantig sa mga puso ng netizens kung saan ilang mga nurse ang naghanda ng surpresa para sa isang COVID-19 patient na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Sa kabila ng kanilang hindi matatawarang serbisyo at pagsasakripisyo, naibahagi rin ng ilang nurse at kakulangan umano sa mga benepisyong kanilang natatanggap sa pakikipagsapalaran laban sa COVID-19.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica