Isko Moreno, proud sa mga nurse na sinurpresa ang isang COVID patient sa kaarawan nito
- Ibinahagi ni Mayor Isko Moreno ng lungsod ng Maynila ang larawan ng mga nurse na napasaya ang isang pasyente ng COVID-19
- Ayon sa post, “Nursing with a Heart” dahil sa kabila ng hirap nila sa serbisyo, nagawa pa nilang ibsan ang lungkot at hirap ng isang COVID-19 patient na nagdiriwang ng kaarawan
- Mayroon pang mga lobo ang nurse habang kinakantahan ng birthday song ang pasyente sa ICU
- Maging ang mga netizens ay humanga sa mga nurse at hiling din nila ang kaligtasan ng mga ito bilang frontliners
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Aminadong humanga si Mayor Isko Moreno ng Lungsod ng Maynila sa viral post tungkol sa mga nurse na nagawa pang isurpresa ang isang COVID-19 patient.
Makikita sa larawan na ilang nurse ang may dala ng lobo habang kinakantahan umano ang pasyenteng nagdiriwang noon ng kanyang kaarawan.
"I saw some people complaining of having their birthdays again in a pandemic set up (no gatherings, no celebrations, no travels). Just be thankful you are not celebrating your birthday like this," bahagi ng post ni Che Larang.
Labis umanong sumasaludo si Che sa mga nurse na ito na sa kabila ng hirap nila sa kanilang serbisyo, naisip pa rin nilang pasayahin ang COVID-19 patient at mapangiti manlang nila ito sa kanyang kaarawan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Salute to these Nurses! In spite of being tired and in dreaded heat, willingly sings the happy birthday song for our covid critical patient. “Nursing with a Heart” indeed."
Kaya naman mismong ang alkalde ng lungsod ay humanga at ipinagmalaki ang sinasabing mga nurse ng intensive care unit ng Sta. Ana Hospital na siyang gumawa ng nakakatunaw ng pusong eksena na ito.
"Thank you very much sa ating magigiting na nurses sa Sta. Ana Hospital Intensive Care Unit! Kahanga-hanga ang inyong walang patid na pagkalinga sa ating mga pasyente. Your City Government is proud of you!"
Narito ang kabuuan ng post:
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdami ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa sa kabila ng dami ng taong mga nababakunahan na.
Dahil dito, buwis-buhay pa rin ang mga medical frontliners na patuloy ang pagseserbisyo sa mga pagamutan na hindi nauubusan ng pasyenteng tinatamaan ng virus.
Matatandaang nito lamang Abril, isang nurse mula Lucena City ang nagpasilip ng natanggap na halaga ng special risk allowance.
Hiling ng iba sa kanila na mabigyan sila ng tama at sapat na halaga ng allowance lalo na't sila ang frontliners sa laban nating kontra COVID-19.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh