Jim Paredes, ibinahagi ang kanyang pagiging fit sa kabila ng kanyang edad na 70
- Marami ang bumilib sa pinakitang liksi at lakas ng mang-aawit na si Jim Paredes
- Sa kanyang ika-70 na kaarawan ay ibinahagi niya ang isang video kung saan nag-push up siya nang 75 na beses
- Aniya, iniiwasan niya ang kanyang tinawag na three greatest killers”: salt, sugar and gravity"
- Dagdag pa niya ang kanyang edad ay kanyang pagsisimula sa "pag-build up of a great sunset"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Pinabilib ni Jim Paredes ang mga netizens sa kanyang positibopng pananaw at fit na pangangatawan sa kanyang edad na 70.
Sa kkanyang social media post, pinasalamatan niya ang lahat ng mga bumati sa kanya at ibinahagi niya ang video niya kung saan nag-push ups siya nang 75 na beses.
Dagdag pa niya kung para sa iba ang kanyang edad na 70 ay nangangahulugang fade away, para sa kanya, ito ay pagsisimula ng kanyang paghahanda para sa isang "great sunset"
Being 70 is a milestone. Some people see it as the start of the BIG FADE AWAY. I see it as the beginning to the build up of a great sunset. We must know how to live and how to die. I will continue to write, sing, live, laugh, cry, love, be inspired, be active, be crazy and put effort into causes that will help me evolve with the rest of humanity..
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Jim Paredes o Jaime Ramon "Jim" Paredes ay isang Filipino singer-songwriter na isa sa mga miyembro ng grupong APO Hiking Society (kasama sina Danny Javier and Boboy Garovillo). Isa din siyang media personality, photographer, workshop facilitator, at writer.
Matatandaang isang malaking dagok sa mang-aawit ang lumabas na scandal ngunit buong tapang niyang inamin ang kanyang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga taong nasaktan sa kontrobersiya.
Marami naman sa kanyang kasamahan sa industriya ang naghayag ng kanilang suporta kay Jim sa gitna ng kanyang hinarap na dagok.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh