Vandolph Quizon, kinabiliban sa kanyang fitness transformation

Vandolph Quizon, kinabiliban sa kanyang fitness transformation

- Ibinahagi ni Vandolph Quizon ang kanyang picture kung saan kapansin-pansin ang kanyang pagbawas ng timbang

- Marami sa mga netizens at followers niya ang bumilib sa kanyang transformation lalo at malaki ang ipinayat niya

- Aniya, ang kanyang ginagawang proseso ay "slowly but surely" at naniniwala siya sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan

- Si Vandolph ang anak ng Comedy King na si Dolphy at ng batikang aktres na si Alma Moreno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang bumilib sa fitness transformation ni Vandolph Quizon na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account. Marami ang humanga sa dedikasyon nito na mapanatiling fit at malusog ang kanyang pangangatawan.

Vandolph Quizon, kinabiliban sa kanyang fitness transformation
Vandolph Quizon (@vitovandolf)
Source: Instagram

Aniya, ang kanyang ginagawang proseso ay "slowly but surely" at naniniwala siya sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.

Trust the process..slowly but surely StaySafe peeps health is wealth

Read also

Ethel Booba, nilibre ang kanyang pamilya sa isang bonggang "spa day"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng kanyang mga followers:

Grabe. Ang galing! Nakita ko po kayo before sa clinic ni sir Eric Quizon. Nakakaamaze. Ang laki ng difference. Idol
Ang galing naman ni idol! Keep it up po at sana marami pa ang mainspire sa inyong fitness journey. Mahalagang-mmahalaga yan lalo ngayong panahon ng pandemya kung saan marami ang hindi na nakakapunta sa gym at wala nang masyadong exercise.
Wow! Lalong pumogi si Lodi! Ito ang dapat i-idolize eh. Ang tahimik ng buhay niya kasama ang kanyang asawa. Sana all hindi yung kung anu-ano inaatupag kaya naghihiwalay. Keep it up idol. Stay strong sa inyo ng wife niyo po.

Vandolph Lacsamana Quizon ay isang Filipino actor, comedian at politician. Nagsilbi siya bilang councilor ng 1st District ng Parañaque.

Read also

Aiko Melendez, naaksidente; "Malalim 'yung sugat talaga, and it's so painful"

Anak siya ng Comedy King na si Dolphy at ng batikang aktres na si Alma Moreno.

Ikinasal siya sa aktres na si Jenny Salimao.

Samantala, ilan sa mga fitness transformation ng mga artista ay talaga namang pinag-usapan. Kabilang sa mga kinabilibang fitness transformation ay ang kay Aiko Melendez, Andi Eigenmann, at Camille Prats.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel