Ethel Booba, nilibre ang kanyang pamilya sa isang bonggang "spa day"
- Sa kaarawan ng kanyang ina, minabuti ni Ethel Booba at n g kanyang mister na ilibre sa spa ang kanilang pamilya
- Kabilang ang mga kapatid at ina ni Ethel sa kanilang dinala sa spa na kamakailan ay biniktima nila ng prank
- Marami ang bumilib sa mag-asawa dahil sa pagiging mapagbigay nito sa pamilya ni Ethel kahit mayroon silang pamilya
- Marami rin ang nakapansin na kagaya niya, masayahin at palabiro din ang kanyang mga kapamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Umani ng papuri at paghanga si Ethel Booba sa kanyang pagiging mapagbigay at mapagmahal sa kanyang pamilya sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay at kasikatan.
Napagpasyahan nilang mag-asawa na i-treat ang pamilya ni Ethel sa isang bonggang make-over sa spa.
Ito ay sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ina. Narito ang mga komento ng kanyang viewers:
Happy family. You really are a good person. You know how to share your blessings. God Bless n more blessings to you. Ang sarap ng ganitong feeling yung buong pamilya mo nasa salon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Mabuti ka tao Ethel always kasama family mo sa tagumpay mo tama yan direction mo you know filipino pag pamilya na pinagusapan kuha mo loob ng viewers. Napakabait mo tlgang anak mis beautiful ethel sna marami pang ka2lad mo and bless our family and stay safe all and God bless
Ang saya idol I love it happy family,sana all idol,ung tawa mo tlga chep lkas mkhawa
Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.
Kaya naman umalma siya nang akusahan siyang ginamit lamang niya ang ABS-CBN kasunod ng kanyang paglabas ng saloobin laban sa Kapamilya network.
Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang kakaibang mga halaman sa loob ng bahay. Kagaya ng ibang mga plantita, ibinahagi niya ang kanyang mga tanim kagaya ng talong, malunggay at iba pang gulay.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh