Aiko Melendez, naaksidente; "Malalim 'yung sugat talaga, and it's so painful"

Aiko Melendez, naaksidente; "Malalim 'yung sugat talaga, and it's so painful"

- Nagtamo ng malalim na sugat si Aiko Melendez sa aksidenteng nangyari sa kanya

- Umabot pa siya ng tatlong ospital bago tuluyan siyang na-admit para matahi ang sugat

- Pasalamat umano si Aiko sa anak na si Andre na siyang naghanap ng ospital upang agad siyang malapatan ng lunas

- Maayos na raw ang kanyang kalagayan ngayon at labis siyang nagpasalamat sa doktor na nag-asikaso sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Idinetalye ng aktres na si Aiko Melendez sa kanyang YouTube channel ang sinapit na aksidente nito lamang Agosto 31.

Sa kanyang Facebook post, nasabi niyang nadala siya ng anak niyang si Andrei sa ospital matapos ang insidente. Inabot pa umano ng tatlong ospital bago siya tuluyang nabigyan ng karampatang lunas.

Aiko Melendez, naaksidente; "Malalim 'yung sugat talaga, and it's so painful"
Aiko Melendez (Photo: @aikomelendez)
Source: Instagram
"At ang ending ko sa ER hospital my forehead about to be stitched. 3rd hospital na to. Hopefully ma accomodate nila ako. Thank you Andre Yllana for rushing me here"

Read also

Kim Domingo, nagpositibo sa COVID-19; "Hindi ko inexpect na tatamaan pa ako"

Makalipas ang nasa apat na oras muling nagbigay ng update si Aiko na noo'y nakauwi na ng kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Iam finally Home… Thank you for all your messages. Blessed pa dn ako di natamaan mata ko, ang hirap magkasakit now a days. Buti in Malvar Hospital line awhile ago was not so long."

Pinasalamatan din niya ang kanyang doktor na agad na nagbigay sa kanya ng atensyong medikal at maayos na rin umano an gkanyang kalagayan.

"Thank you Doc Dacon who stitched my forehead. Praying for no keloid."

Gayunpaman, nasabi rin ni Aiko na malalim ang natamong sugat kaya naman kinailangan itong tahiin.

Sinabing nangyari lamang ito habang siya ay kumakain ng 'maanghang na ramen' sa kanilang tahanan.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010.

Read also

Video ng panawagan ni Jam Magno sa PAO, usap-usapan sa social media

Kamakailan, agaw-eksena ang kanyang mga larawan na mukha lamang teenager. Marami ang humanga sa aktres na paganda nang paganda kaya naman marami na rin ang nag-aabang sa kanya sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit kalahating milyon na mga subscribers.

Nito lamang Hulyo, naibahagi rin niya sa kanyang YouTube channel ang masayang kulitan nila nina Gelli De Belen at Carmina Villaroel na pawang malalapit niyang kaibigan sa showbiz.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel