Video ng panawagan ni Jam Magno sa PAO, usap-usapan sa social media

Video ng panawagan ni Jam Magno sa PAO, usap-usapan sa social media

- Usap-usapan ngayon ang kumakalat na video kung saan nabanggit ni Jam Magno ang tungkol sa pagkakatangay ng kanyang pera

- Kasunod nito ay may panawagan siya kay Atty. Persida Acosta ng Public Attorney's Office kaugnay sa maaring mabigay ng tulong sa kanya

- Gayunpaman, walang ibang pahayag si Jam kaugnay sa kumakalat na video niya na umani ng mga reaksiyon

- Kilala si Jam na isa sa masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kasalukuyang administrasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng mga reaksiyon ang isang video ng TikToker na si Jam Magno kung saan nabanggit niya ang taong pinangalanan niyang Pam na nagbulsa ng pera niyang itinabi.

Nabanggit niya rin ang kanyang panawagan kay Atty. Persida Acosta ng Public Attorney's Office kaugnay sa maaring mabigay na tulong sa kanya.

Video ng panawagan ni Jam Magno sa PAO, usap-usapan sa social media
Jam Magno (@thejammagno)
Source: Instagram
And from the lat time I checked, friends naman kami. Pero sa tao, ikaw Pam, na pinaghirapan kong pera, isinantabi ko para protektahan mo pero ibinulsa mo. Nanawagan po ako kay Atty. Persida Acosta. Baka po may mga lawyers ka jan sa PAO na pwede pong tumulong sakin sa kaso ko. Paki-message na lang po ako ha. Kasi na-fi-feel ko talaga na since I support this government , baka naman ma-prove na hindi pala pera talaga ang hinahanap ko. Kundi support from the same government I trust and believe.

Read also

Bea Alonzo, aminadong hindi niya pa napapatawad ang kanyang ex

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, walang ibang pahayag si Jam kaugnay sa kumakalat na video niya na umani ng mga reaksiyon.

Si Jam Magno ay nakilala sa kanyang TikTok videos kung saan kadalasan ay pinagtatanggol niya ang pamahalaan laban sa mga kritiko. Kabilang sa kanyang mga binatikos ay si Ogie Diaz, Liza Soberano at kamakailan nga ay si Rabiya Mateo.

Bago pa ang pagkakasuspinde ng Twitter account na nakapangalan sa kanya, na-ban na rin ang kanyang TikTok account kasunod ng pangbabatikos na kanyang tinamo mula sa tagasuporta ng beauty queen na si Rabiya.

Gayunpaman, sinabi niyang hindi ito malaking bagay para sa kanya dahil dati na rin daw na ban ang kanyang TikTok account at nakabalik din daw siya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate