Bea Alonzo, aminadong hindi niya pa napapatawad ang kanyang ex

Bea Alonzo, aminadong hindi niya pa napapatawad ang kanyang ex

- Para kay Bea Alonzo, naunwaan niya ang kaibigang si Janus del Prado sa mga nabanggit nito sa social media kamakailan

- Aniya protective lamang ang kanyang mga kaibigan sa kanya lalo na kapag alam nilang naagrabyado siya

- Maging siya man daw ay kayang makipaglaban kung para sa kanyang mga pinakamamahal na mga kaibigan

- Matatandaang naging usap-usapan ang mga patutsada ni Janus kasunod ng paglabas ng panayam kay Gerald Anderson kaugnay sa pagnanais nitong humingi ng dispensa sa kanyang ex-girlfriend

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang panayam ay ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo ang kanyang reaksiyon kaugnay sa kontrobersiyal na naging pahayag ng kanyang malapit na kaibigang si Janus del Prado kasunod ng pahayag ng kanyang dating karelasyon na si Gerlad Anderson kaugnay sa kagustuhan nitong humingi ng dispensa sa kanyang ex-girlfriend.

Read also

Janus Del Prado, hanga sa kaibigang kailanma'y di siniraan ang tinatawag niyang 'G'

Bea Alonzo, naunawaan ang kanyang kaibigang si Janus del Prado sa mga pahayag nito
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Sa isang episode ng Level Up Exclusives with Noel Ferrer sa Radyo Katipunan 87.9 FM YouTube channel, sinabi ni Bea Alonzo na nauunawaan niya ang naging reaksiyon ng kanyang kaibigan na aniya ay sadya lamang protective sa kanya.

Maging siya mismo ay kayang makipaglaban kung para sa kanyang mga kaibigan.

Kaugnay naman sa pahayag ng kanyang ex na nais nitong humingi ng tawad, narito ang naging tugon ni Bea.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang plastik ko naman kapag sinabi kong napatawad ko na siya. It’s not about asking for forgiveness, it’s taking accountability and being responsible for your actions. Let’s just leave it at that."

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Dhemy Seron, nag-post ng "bad liar" kasunod ng naging pahayag ni Kiko Estrada

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel