Dhemy Seron, nag-post ng "bad liar" kasunod ng naging pahayag ni Kiko Estrada

Dhemy Seron, nag-post ng "bad liar" kasunod ng naging pahayag ni Kiko Estrada

- Kasunod ng paglabas ng panayam ni Ogie Diaz kay Kiko Estrada, usap-usapan din ang mga post ng kapatid ni Devon Seron na si Dhemy Seron sa social media

- Matatandaang minabuti ni Kiko na magpa-interview para ihayag ang kanyang panig kaugnay sa isyu nila ng dating kasintahang si Devon

- Nilinaw niyang walang overlap na naganap pagdating sa pakikipagrelasyon niya kay Devon at sa kasalukuyang girlfriend niyang si Heaven Peralejo

- Ayon sa ilang netizens, maaring nagkataon lang din ngunit ipinakita ni Dhemy sa kanyang IG Story ang T-shirt na may markang "Bad Liar"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi man diretsahang binanggit ni Dhemy Seron kung sino ang kanyang pinatutungkulan sa kanyang Instagram Story posts, hindi maiwasan ng ilang netizens na iugnay ito kay Kiko Estrada lalo at kasunod ng paglabas ng pahayag ni Kiko, ibinahagi nito ang picture ng isang T-shirt na may markang "Bad Liar."

Read also

Janus Del Prado, nag-post tungkol sa pag-sorry ng isang taong hindi niya pinangalanan

Dhemy Seron, nag-post ng "bad liar" kasunod ng naging pahayag ni Kiko Estrada
Devon Seron (@devonseron)
Source: Instagram

Bilang isa sa pinaka-nagpakita noon ng matinding reaksiyon nang mapabalitang naghiwalay na sina Kiko at Devon, marami sa mga netizens ang sumusubaybay sa mga post ng kapatid ni Devon na si Dhemy.

Dhemy Seron, nag-post ng "bad liar" kasunod ng naging pahayag ni Kiko Estrada
Screenshot from Dhemy Seron's IG Story (@dhemyseron)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang kamakailan lang ay minabuti ni Kiko na magpa-interview upang maibahagi ang kanyang panig kaugnay sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya at ng kanyang girlfriend sa kasalukuyan.

Nilinaw niyang walang overlap na nangyari dahil Pebrero umano sila nagkahiwalay ni Devon at Marso naging sila ni Heaven.

Si Devon Seron ay unang nakilala nang maging isa sa finalists ng Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Nagmula siya sa Cebu City.

Matapos ang kanyang pagganap bilang kapatid ni Jessy Mendiola sa remake ng Mexican Telenovela na Maria Mercedes sa ABS-CBN. Lumipat si Seron sa GMA Network taong 2018.

Read also

Ina ni Heaven Peralejo, hinamon si DJ Chacha na pangalanan ang tinutukoy niya sa tweet

Taong 2018 din lumabas ang balita tungkol sa namumuong pagtitinginan nila Kiko at Devon Seron. Matapos silang mamataang magkasama ng maraming beses ay inamin ng aktor ang tungkol sa kanilang relasyon noong January 2019.

Matatandaang naging maugong bali-balitang naghiwalay sina Devon at Kiko matapos mag-post ng aktres ng cryptic poct. Kinalaunan ay kinumpirma ni Kiko ang tungkol sa paghihiwalay nila.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel