Carmina Villarroel, na-prank si Janno Gibbs dahil sa makulit na dare nina Aiko at Gelli

Carmina Villarroel, na-prank si Janno Gibbs dahil sa makulit na dare nina Aiko at Gelli

- Na-prank call ni Carmina Villarroel si Janno Gibbs sa vlog ni Aiko Melendez

- Hindi pa agad na nasagot ni Janno ang tawag ni Carmina dahil hindi pala naka-save ang number ng aktres sa kanya

- Nang gamitin na nila ang smartphone ni Gelli De Belen, doon lamang sinagot ni Janno at saka lamang naisagawa ni Carmina ang prank

- Nang malamang kasama ni Carmina sina Aiko at Gelli Belen, binati niya ito sa 'makulit' na paraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging sobrang laugh trip ang isinagawang prank call ni Carmina Villarroel sa aktor na si Janno Gibbs.

Nalaman ng KAMI na sa vlog ni Aiko Melendez kung saan panauhin niya sina Gelli De Belen at Carmina Villarroel, nagbonding silang tatlo sa pamamagitan ng isang game.

Carmina Villarroel, na-prank si Janno Gibbs dahil sa dare nina Aiko at Gelli
Carmina Villarroel (Photo credit: @mina_villarroel)
Source: Instagram

At bahagi nga nito ang dare na tawagan ang taong may pangalang nagsisimula sa letter "J" sa phonebook at sasabihin ang linyang "Ano, mga bata na nga natakasan ka pa? habulin mo 'yung mga bata, siguraduhin mong walang makakatakas!"

Read also

Magkababatang nag-viral sa TikTok, muling kinumusta ng KMJS

Napagkasunduan ng tatlo na ang singer-actor na si Janno Gibbs ang kanilang tatawagan. Subalit sa unang pagtawag nila gamit ang cellphone ni Carmina, hindi niya ito sinagot at ni-reject pa ang tawag.

Nang gamitin na nila ang cellphone ni Gelli, agad naman itong sinagot ni Janno at saka lamang nagawa ni Carmina ang prank.

Tawang-tawa na sina Aiko at Gelli habang ibinabato ni Carmina ang mga linya kay Janno.

Agad naman nilang sinabi na si Carmina ang kausap ng aktor at isang prank lamang ang kanilang isinagawa.

Wala raw pala sa phonebook ni Janno ang numero ni Carmina kaya hindi niya ito nasagot agad.

At nang malaman pa nitong magkakasama ang tatlo, binati niya ito sa 'makulit' na paraan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Vlogger na si Basel Manadil, trip pala talaga ang mga Pinay; "I love them!"

María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi mas kilala bilang si Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host. Siya ang misis ng isa ring aktor na si Zoren Legaspi. Pinasok na rin ng kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy ang showbiz.

Katunayan, kamakailan lamang ay nakitang naiyak talaga si Carmina nang magpaalam ang anak na si Mavy na magtutungo sa kanyang lock-in taping. Hindi mapigilang maging emosyonal ng ina na mawawalay pansumandali sa kanyang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel