Kim Domingo, nagpositibo sa COVID-19; "Hindi ko inexpect na tatamaan pa ako"

Kim Domingo, nagpositibo sa COVID-19; "Hindi ko inexpect na tatamaan pa ako"

- Ibinahagi ng aktres na si Kim Domingo na maging siya ay tinamaan na rin ng COVID-19

- Sa kanyang Instagram post, sinabing Agosto 27 niya nang makumpiramang nagpositibo siya sa virus

- Halos hindi raw makapaniwala si Kim na magkakaroon pa siya nito gayung labis-labis na ang kanyang pag-iingat

- Malaki raw ang pasasalamat niyang nagbago ang kanyang isip at nakapagpabakuna

- Aminado kasi siyang noong una'y wala siyang balak na magpabakuna ngunit ngayon, bago pa man tamaan ng COVID-19 at fully vaccinated na siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma ng aktres na si Kim Domingo na maging siya ay nagpositibo rin sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na sa Instagram post ni Kim ngayong Agosto 30, naikwento niya ang kanyang pinagdaanan sa pagkakaroon ng naturang virus.

"August 27, 2021, nag-positibo ako sa COVID-19. First of all, hindi ko inexpect na tatamaan pa ako. Pinagtatawanan na nga ako sa sobrang pag disinfect at pagiingat na ginagawa ko"

Read also

66-anyos na call center agent na bumili ng table para sa kanyang wfh set-up, hinangaan

Kim Domingo, nagpositibo sa COVID-19; "Hindi ko inexpect na tatamaan pa ako"
Kim Domingo (@kimdomingo_)
Source: Instagram

Dahil dito, hindi na muna magagawa ni Kim ang sanay pagbabalik niya sa telebisyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi ko na din po magagawa ang #LoveDieRepeat. Ito sana ang pagbabalik ko sa TV simula nagka-pandemic dahil hindi po ako tumanggap ng trabaho sa labas."

Aminado rin si Kim na noong una'y ayaw niya sanang magpabakuna, ngunit sa dami ng kanyang na-research at nakausap umano tungkol sa kahalagahan nito, fully vaccinated na siya bago pa man tamaan ng COVID-19.

Dahil dito, naging kampante na sana siya para sa lock-in taping nila ngunit sa kasamaang palad, tinamaan naman siya ng virus.

Sa ngayon, wala umano siyang lagnat subalit wala pa rin siyang panglasa at pang-amoy. Nakakakain na rin siya ng maayos at patuloy na nagpapalakas.

Hinihimok din niya ang publiko na magpabakuna. Base na rin umano sa kanya raw karanasan, malaking bagay na may bakuna siya laban sa COVID-19 na sinasabing dahilan kung bakit hindi na lumala pa ang kanyang kalagayan.

Read also

Dating OFW na may iba't ibang raket para makapag-aral, college graduate na

"Makakatulong ang bakuna para mabawasan ang severity ng covid. Buti nalang at fully-vaccinated na ako at ang pamilya ko. Wala na akong lagnat, pero wala pa rin pang-amoy at panlasa. Pero still malakas pa din ako kumain. Mas okay na pakiramdam ko"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Kim Domingo ay unang sumikat matapos mag-viral ang kanyang dubsmash ng awiting "Twerk It Like Miley" noong 2014. Naging bahagi siya ng GMA noong 2015 at napasama sa seryeng Juan Happy Love Story at maging sa Bubble Gang. Naging cover girl siya ng FHM Philippines noong December 2015 at January 2017.

Gayunpaman, aminado si Kim na nagkaroon siya ng mababang talent fee noong nagsisimula pa lang siya sa mundo ng showbiz.

Matatandaang, labis ang pighati ni Kim tungkol sa pagyao ng kanyang matalik na kaibigan isang taon na ang nakalilipas.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica