66-anyos na call center agent na bumili ng table para sa kanyang wfh set-up, hinangaan

66-anyos na call center agent na bumili ng table para sa kanyang wfh set-up, hinangaan

- Nag-viral ang 66-anyos na call center agent na bumili ng kanyang table para sa kanyang 'work from home' set up

- Namangha ang kanyang binilhan dahil inakala raw nito na ang biniling mesa at para sa pamangkin ng call center agent

- Kwento ni 'Uncle Willy' kung siya ay tawagin, nakapag-apply siya sa 12 na mga call centers at sa ika-13 pagkakataon, natanggap na siya

- Ngayon, pitong taon na siyang naghahanapbuhay bilang call center agent at hiling niyang mabigyan pa rin ng trabaho ang mga senior citizen na tulad niyang nais pang mag-hanapbuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hinangaan ng marami ang nag-viral na 66-anyos na call center agent na si Willy Batucan nang maibahagi ng nabilhan niya ng table ang kanyang kwento.

Nalaman ng KAMI na ang mesa na binili ni Willy kay Therez Causing ay para umano sa kanyang work from home set-up.

Read also

Dating OFW na may iba't ibang raket para makapag-aral, college graduate na

Sa panayam ng GMA News sa seller, inakala raw kasi nito na sa pamangkin ni Willy ang mesa na binili dahil ito umano ang nakipag-transact sa kanya.

66-anyos na call center agent na bumili ng table para sa wfh set-up, hinangaan
Si Willy Batucan nang mabili ang kanyang table (Photo from Therez Causing)
Source: Facebook

Kaya naman laking gulat niya nang malamang ito pala ay para kay Willy na pitong taon nang nagtatrabaho sa isang BPO company.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

'Uncle Willy' ang tawag ng kanyang mga katrabaho sa kanya. Inspirasyon umano nila ito gayung sa kanyang edad ay maayos pa rin daw nitong nagagampanan ang kanyang hanapbuhay.

"Kalabaw lang ang tumatanda. Pero sa puso’t isipan natin andun pa rin 'yung lakas at 'yung willingness ko na kailangan kong magtrabaho.”

Kwento pa ni 'Uncle Willy', nag-apply siya sa 12 mga call center at sa ika-13, saka lamang siya pinalad na makapasok.

"Naka-12 na 'kong bagsak, 13 na lang. Kaya binilisan ko 'yung pag-apply. Salamat sa Diyos, yung ika-13, natanggap din ako sa wakas."

Read also

Janus Del Prado, may bagong patutsada sa mga taong 'di pinangalanan; "Ay natapon"

Hiling ni Uncle Willy na marami pa sanang mga senior citizen na tulad niya ang mabigyan ng oportunidad na maayos pa rin na makapagtrabaho lalo na kung gusto at kaya pa ng mga ito.

Ngayong pandemya, marami sa ating mga kababayan ang talagang mas lalong sinubok ng panahon.

Maging ang mga senior citizens ay naiisipan din na magtrabahong muli para makatulong sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kahit may edad na, pinasok pa rin ng ilan ang pagiging isang delivery rider na patok na hanapbuhay ngayong pandemic kung saan karamihan ay nanatili na lamang sa kani-kanilang tahanan.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica