Dating OFW na may iba't ibang raket para makapag-aral, college graduate na
- Marami ang humanga sa dating OFW na si Chryzel Joy Gordula Landicho dahil natupad ang pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo dahil sa sariling pagsisikap
- Aminado siyang napakarami na ng trabahong kanyang pinasok para lamang matustusan ang kanyang pag-aaral
- Inabot man siya ng halos isang dekada sa kolehiyo, masaya pa rin siyang napagtagumpayan ito
- Aniya, worth it naman daw lahat ng pagod, hirap at luha dahil ngayon, hawak na niya ang kanyang diploma
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Inspirasyon ang hatid ng kwento ng dating OFW na si Chryzel Joy Gordula Landicho. Naikwento niya sa social media ang iba't ibang raket na kanyang pinasok, makapagtapos lamang ng kolehiyo.
Dating domestic helper at baby sitter sa Doha, Qatar si Chryzel ngunit nang makabalik sa Pilipinas, kabi-kabilang mga trabaho ang kanyang pinasok para lamang masigurong makakapag-aral siya sa kolehiyo.
"Naging kahera ng sabungan sa Siniloan, naging factory worker sa Calamba, naging Call Center agent sa Iloilo, nagtinda ng Caramel bar at rambutan sa school, nag ee-load, nagpprint at photocopy, frustrated photographer and editor, naging distributor ng Avon, nagtitinda ng ice candy, certified taka(paper maché) girl, at tumanggap ng napakaraming tututoran. I did all that to fulfill my dream of graduating from college."
Sa dami ng trabaho, may mga hindi na raw siya naisama pa sa mga nabanggit. Makailang beses din siyang huminto kaya naman iba-iba na rin ang kanyang mga naging ka-batch.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Umabot ng halos isang dekada ang kanyang paggapang sa pagkokolehiyo. Pero hindi talaga ito tinigilan ni Chryzel.
Sa panayam sa kanya ng GMA News, naikwento niyang hindi sana Bachelor of Science in Agricultural Education ang kursong kukunin niya. Ngunit dahil sa free tuition fee ito sa kolehiyo na kanyang pinasukan, hindi na niya pinakawalan ang oportunidad na makamit niya ng minimithing college diploma.
Kaya naman nito lamang Agosto 18, ibinahagi ni Chryzel ang kanyang toga picture na sumisimbolo sa magandang bunga ng kanyang pagsasakripisyo.
"Today, I officially achieved my goal of graduating from college and I will start again with another challenge in life. Worth it lahat ng hirap, pagod at luha"
Kahanga-hanga ang mga mag-aaral na hindi nagnanais na maging pabigat sa mga magulang na nakakaisip na dumiskarte sa pag-aaral lalo na ngayong mas mahirap ang buhay dahil sa pandemya.
Matatandaang minsan na ring naiulat ng KAMI ang tungkol sa isang lalaki na nakatapos ng kolehiyo dahil sa pagiging jeepney driver. Napagtiyagaan niya ang mamasada at pumasok pa rin sa paaralan hanggang siya ay makatapos.
Napakalaking bagay umano ng desisyong ito para sa kanya lalo na at hindi biro ang pamamasada ngunit napagtagumpayan niya ito.
Hindi rin nalalayo rito ang kwento ng isang delivery rider na kamakailan ay nakapagtapos din sa kolehiyo habang siya ay rumaraket ng pagde-deliver.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh