Jennylyn Mercado, nag-tag ng maternity clothing brand sa kanyang IG post

Jennylyn Mercado, nag-tag ng maternity clothing brand sa kanyang IG post

- Matapos ang paglabas ng bali-balita tungkol sa kanyang diumano'y pagdadalantao, wala pang inilabas na pahayag ang kampo ni Jennylyn Mercado

- Gayunpaman, sa kanyang pinakabagong Instagram post, napansin ng ilang netizens na nakatag sa kanyang suot na damit ang isang maternity clothing brand

- Dahil dito, para sa ilang netizens ay unti-unti nang pinapaalam ni Jen sa publiko ang kanyang kalagayan

- Matatandaang lumitaw ang pangalan ni Jennylyn sa mga blind item ntungkol sa isang aktres na kinailangang tumigil sa taping dahil sa medical emergency

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinakita ni Jennylyn Mercado ang kanilang Christmas tree na dinesenyo ng sikat na stylist na si Gideon Hermosa. Sa kanyang post kung saan pinaslamatan niya ang stylist, kapansin-pansin din ang pag-tag niya sa isang maternity clothing brand.

Jennylyn Mercado, nag-tag ng maternity clothing brand sa kanyang IG post
Jennylyn Mercado (@mercadojenny)
Source: Instagram

Dahil dito, para sa ilang netizens ay unti-unti nang pinapaalam ni Jen sa publiko ang kanyang kalagayan. Matatandaang lumitaw ang pangalan ni Jennylyn sa mga blind item ntungkol sa isang aktres na kinailangang tumigil sa taping dahil sa medical emergency.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Kasama niya rin ang kanyang karelasyong si Dennis Trillo sa kanyang ibinahaging picture. Marami sa mga fans nila ang nag-abang sa umano'y magiging anunsiyo ng dalawa:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Waiting to “DenJen Couple” Big Announcements”!
Yessss waiting tlaga denjen nations,,nice color green christmas tree
Cant wait for the announcement! Good luck love birds!

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser.

Sa kabila ng kanilang nakaraan, maganda ang relasyon ni Jennylyn sa asawa ng kanyang ex na si Patrick na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Kaya naman marami ang natutuwa sa mga bonding moments nila na ibinabahagi nila sa social media.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Naging usap-usapan kamakailan ang matapang na pagbabahagi ng opinyon ng aktres hinggil sa ilang isyu. Maging si Lolit Solis ay nagbahagi ng kanyang opinyon hinggil sa isyung kinasangkutan nila Arnell at Jennylyn.

Naging viral din kamakailan ang post ng Kapuso star hinggil sa SONA ni Pangulong Rody Duterte.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel