'InuThel' duet nina Ethel Booba at Madam Inutz, hiling ng netizens na magkaroon ng part 2

'InuThel' duet nina Ethel Booba at Madam Inutz, hiling ng netizens na magkaroon ng part 2

- Kinagiliwan ng mga netizens ang pagsasama sa entablado nina Madam Inutz at ni Ethel Booba sa 'Sing Galing'

- Namangha ang marami sa husay ng dalawa nang kantahin nila ang "It's all coming back to me now"

- Ginawa nila ito matapos na magkaayos sa naging hindi nila pagkakaunawaan kamakailan

- Hiling ng mga netizens na magkaroon ng part 2 ang duet nina Ethel at Madam Inutz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang natuwa sa duet nina Madam Inutz at Ethel Booba sa Sing Galing SingLebrity Edition.

Nalaman ng KAMI na hurado si Ethel sa nasabing palabas ng TV5 at guest naman si Madam Inutz.

Bago pa ang napakahusay nilang pagkanta at pagsasama sa entablado sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaayos na rin ang dalawa at nilinaw ang mga naging saloobin nila sa nangyaring hindi pagkakaunawaan.

Read also

Showdown sa biritan nina Madam Inutz at Ethel Booba, umani ng samu't-saring reaksiyon

'InuThel' duet nina Ethel Booba at Madam Inutz, hiling ng netizens na magkaroon ng part 2
Sina Madam Inutz at Ethel Booba (Photo: Ethel Booba)
Source: Facebook

Bilang simbolo ng kanilang pag-aayos, hiniling ng ibang hurado at host na mag-duet ang dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doon kinanta nila ang "It's all coming back to me now" ni Celine Dion.

Makikita ang husay din sa pagkanta ni Madam Inutz na hindi nagpahuli sa Tawag ng Tanghalan celebrity champion na si Ethel Booba.

Matapos ang makapanindig balahibong duet nila, nagkayakap ang dalawa na nagpatibay sa kanilang pagkakabati.

Dahil dito, hiling tuloy ng maraming netizens na mas madalas na magkasama ang dalawa sa iba pang mga shows.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang galing din ni Madam Inutz, hindi pahuli kay Ethel. Nakaktuwa kayo panoorin"
"Ang galing nila pareho. Singer din pala talaga si Madam Inutz. At ang mas masaya pa diyan, nagkabati na sila"

Read also

Ethel Booba at Madam Inutz, nagkaayos nang muli silang magkaharap sa Sing Galing

"Part 2 po please! Gusto ko silang mapanood ng live... Ang galing!"
"Powerful ang duet nila, partida wala pa atang practice yan at biglaan lang"
"Bravo! Napakahusay po niyo Ms. Ethel at Madam Inutz"

Narito ang kabuuan ng kanilang performance na ibinahagi ng TV5:

Agad na nakilala ng publiko si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo sa mahigit 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine sa kanyang mga paninda.

Matatandaang si Ethel Booba at Donita Nose ang mga unang bumisita at nagpaabot noon ng tulong kay Madam Inutz matapos mag-viral.

Noong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanyang manager at isa ring vlogger na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel