Showdown sa biritan nina Madam Inutz at Ethel Booba, umani ng samu't-saring reaksiyon

Showdown sa biritan nina Madam Inutz at Ethel Booba, umani ng samu't-saring reaksiyon

- Pinagbigyan nina Ethel Booba at Madam Inutz ang hiling ng mga hosts ng Sing Galing SingLebrity Edition na mag-duet sila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Kinanta nila ang awiting "It's All Coming Back to Me Now" na pinasikat ng singer na si Celine Dion

- Hindi nagpatalo si Madam Inutz sa biritan at laloong palaban din si Ethel na nagkampiyon sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition

- Samantala, marami sa mga tagahanga ng dalawa ang natuwa na sa wakas ay nakita nilang nagkaayos ang dalawa

Bigay na bigay sa biritan ang dalawang kontrobersiyal na social media stars na sina Ethel Booba at Madam Inutz. Ito ay matapos hilingin ng mga hosts ng Sing Galing SingLebrity Edition na mag-duet sila.

Showdown sa biritan nina Madam Inutz at Ethel Booba, umani ng samu't-saring reaksiyon
Ethel Booba (@ethelbooba)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Kinanta nila ang awiting "It's All Coming Back to Me Now" na pinasikat ng singer na si Celine Dion. Hindi nagpatalo si Madam Inutz sa biritan at laloong palaban din si Ethel na nagkampiyon sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition. Samantala, marami sa mga tagahanga ng dalawa ang natuwa na sa wakas ay nakita nilang nagkaayos ang dalawa.

Nagkausap ang dalawa sa nasabing show kung saan isa sa mga kalahok si madam Inutz at si Ethel naman ay isa sa mga judges.

Nagyakapan pa ang dalawa matapos nilang mag-usap kaugnay sa mga nangyari sa kanila na talaga namang pinag-usapan.

Matatandaang bago pa naganap iyong tampuhan ay nagkasama na ang dalawa sa mga vlogs ni Ethel kung saan pinuntahan nito si Madam Inutz, ilang araw matapos itong sumikat nang husto sa social media.

Si Daisy Lopez ay isang online seller na sumikat nang husto sa social media dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng kanyang ukay-ukay na paninda.

Read also

PBB housemate Brenda Mage, nakipagsabayan ng 'Granada walk' kay Samantha Bernardo

Matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media, lalong dumami ang kanyang viewers. Gayunpaman, wala umanong bumubili sa kanyang mga paninda. Ngunit, ito naman ang naging daan para sa mas magagandang opportunidad sa kanya.

Nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang iwan na lamang ang nasabing talent agency.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel