Madam Inutz sa worst na nangyari sa kanyang buhay: "Akala namin mawawala na si Nanay"

Madam Inutz sa worst na nangyari sa kanyang buhay: "Akala namin mawawala na si Nanay"

- Nagkaroon ng 'Q and A' si Madam Inutz sa pinakabago niyang vlog kung saan naikwento niya ang 'worst' na nangyari sa kanyang buhay

- Ito ay nangyari umano limang taon na ang nakalipas kung saan na-stroke ang kanyang ina sa ikatlong pagkakataon

- Inakala nilang mawawala na ito kaya naman ginawa talaga ni Madam Inutz ang lahat masiguro lamang na makakasama pa rin nila ang kanilang pinakamamahal na ina

- Ngayong gumaganda pa ang kanyang career, nakikita niyang nagiging masigla rin ang kanyang ina

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pinakabagong vlog ni Madam Inutz, nagkaroon siya ng Q and A kasama ang kanyang manager na si Wilber Tolentino.

Nalaman ng KAMI na ito ay karugtong umano ng mga 'Facts about Madam Inutz' na kanyang naibahagi sa kanyang Facebook.

Madam Inutz sa worst na nangyari sa kanyang buhay: "Akala namin mawawala na siya"
Madam Inutz kasama ang kanyang ina (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Pumili ang viral online seller ng 13 mga tanong ng kanyang mga subscribers na nagtanong sa comment section na kanyang post.

Read also

Paolo Contis, humingi ng dispensa kay Lian Paz sa pagkakadawit nito sa kontrobersiya

Sa Part 1 ng kanyang video, isa sa mga naitanong sa kanya ay kung ano ang maituturing niyang 'worst' na nangyari sa kanyang buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"'Yung nagkasakit ang nanay ko. That waa five years ago, Nung akala ko ma-stroke siya kasi pang third time na niya 'yun. So 'nung inatake siya, akala namina mawawala na siya."

Dahil dito, naibenta raw ni Madam Inutz ang lahat ng kanyang mga alahas. Pati ang laman ng kanyang bangko at maging ng account ng kanyang anak gayundin ang puhunan sa mga ibinebenta noong alahas ay kanyang nagamit masiguro lamang na makakapiling pa rin nila ang kanilang ina.

At ngayon, lalo na at gumaganda ang career ni Madam Inutz sa sunod-sunod na biyayang kanyang natatamo, nakikisabay din ng kalakasan ang kanyang ina.

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

"Hindi niya deserve na mawala agad, marami pa akong gustong patunayan lalo para sa nanay ko"
"Tapos si nanay nakikita ko rin 'yung energy gusto niyang makatayo ulet."

Kaya naman ipinagpapasalamat niya na kasama pa rin nila ngayon ang kanilang ina na patuloy na sumisigla at lumalaban sa buhay.

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Matatandaang isa sa mga unang bumisita kay Madam Inutz at si Ethel Booba at Donita Nose na namakyaw ng panindang damit ng online seller.

Nitong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanya na ngayong manager na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Read also

Mura, hindi makapaniwala sa pagpanaw ni Mahal; "Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam"

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel