Ethel Booba at Madam Inutz, nagkaayos nang muli silang magkaharap sa Sing Galing

Ethel Booba at Madam Inutz, nagkaayos nang muli silang magkaharap sa Sing Galing

- Sa isang episode ng 'Sing Galing' SingLebrity Edition, nagkaharap na sina Madam Inutz at Ethel Booba

- Nagbigay sila ng mensahe sa isa't-isa matapos ang naging kontrobersiyal na patutsadahan noong mga nakaraang linggo matapos hindi napagbigyan ni Madam Inutz na harapin ang grupo nina Ethel Booba nang pumunta sa bahay nila

- Gayunpaman, nilinaw ni Madam Inutz na dahil may manager na siya ay nag-iingat lamang siya sa kanyang mga ginagawa

- Nagkaayos at nagyakapan ang dalawa sa nasabing TV show kung saan naging kalahok si Madam Inutz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanilang paghaharap sa Sing Galing SingLebrity Edition naatasan si Ethel Booba na magbigay ng kanyang komento sa pagkanta ni Madam Inutz. Ito ang unang pagkakataon na nakita silang magkaharap matapos ang kontrobersiyal na pangyayari kung saan nagpasaring si Ethel matapos siyang hindi naharap ni Madam Inutz nang minsan itong pumunta sa bahay nila kasama ang kanyang mga kaibigan.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Ethel Booba at Madam Inutz, nagkaayos nang muli silang magkaharap sa Sing Galing
Ethel Booba (@ethelbooba)
Source: Instagram

Parehas silang nagbigay ng kanilang mensahe sa isa't-isa. Lumapit pa si Ethel kay Madam Inutz upang magkaharap sila at makapag-usap nang malapitan.

Hinangaan naman ng mga netizens ang pagpapakumbabang ito ni Ethel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gaan sa pakiramdam na nagkita at nagkausap Ang dalawa..pareho kasi sila mga lokarets di mo sila makitaan ng moment na malungkot kasi Ang saya-saya talaga nila
Nice to see na ok na kyo ni miss ethel madam inutzs halata din na kabado c madam inutzs sa performance nya pero may galing sa pag kanta konting training and practice lng nku may ibubuga!
Alam namana namin na pareho kayong mabuting tao. Si Inutz grabe yung pagmamahal nya sa nanay na. May sakit na at lahat pero gagawin pa rin nya lahat humaba lang buhay ng nanay. Si Ethel mabait din, pinag-aral nya lahat ng kapatid nya. Hanggang ngayon kahit may sarili na sya pamilya hindi nya pinababayaan mga kapatid nya.

Read also

Pamilya ni Madam Inutz, tampok sa pinakabago niyang Christmas music video

Si Daisy Lopez ay isang online seller na sumikat nang husto sa social media dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng kanyang ukay-ukay na paninda.

Matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media, lalong dumami ang kanyang viewers. Gayunpaman, wala umanong bumibili sa kanyang mga paninda. Ngunit, ito naman ang naging daan para sa mas magagandang opportunidad sa kanya.

Nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang iwan na lamang ang nasabing talent agency.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel