Pamilya ni Madam Inutz, tampok sa pinakabago niyang Christmas music video

Pamilya ni Madam Inutz, tampok sa pinakabago niyang Christmas music video

- Tampok ang pamilya ni Madam Inutz sa pinakabago niyang Christmas music video

- Mula sa kanyang mga magulang, mga kapatid, naroon din ang kanyang mga anak

- Makikita kung gaano kalapit sa isa't isa sina Madam Inutz at ng kanyang pamilya na siyang dahilan ng kanya umanong pagsisikap

- Ang naturang music video ang ikalawang single na inilabas ni Madam Inutz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagsama-sama ang buong pamilya ni Madam Inutz sa nakaaantig-pusong Christmas music video ng kanyang awiting "Sangkap ng Pasko."

Nalaman ng KAMI na inilabas ngayong Oktubre 14 ang ikalawang single na ito ni Madam Inutz na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Marami ang humanga sa kanyang pag-awit lalo na nang makita pa nila ang bawat miyembro ng pamilya ni Madam Inutz na naroon din sa music video.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Pamilya ni Madam Inutz, tampok sa pinakabago niyang Christmas music video
SI Madam Inutz kasama ang kanyang manager na si Sir Wil (Photo from Wilbert Tolentino)
Source: Facebook

Mula sa kanyang mga magulang, mga kapatid at maging mga anak, nagsama-sama sila upang ipakita kung gaano kasaya ang Kapaskuhan kung makikita at madarama ang pagmamahal ng bawat miyembro ng pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, maging ang mga netizens ay hindi naiwasang maging emosyonal at tinadtad naman ng papuri si Madam Inutz sa panibagong tagumpay na kanyang nakamit.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakaiyak yung MTV mo madam inutz. Miss ko na pamilya ko"
"Kinikilabutan ako sa whole song. Tinalo pa ang network's christmas song. ang galing mo madam inutz. Congratulations sayo! Soar High!"
"Her Life Story is Our story. Her Success is perfectly written by God."
"Galing mo Madam Inutz. Nakakatusok sa puso! Congrats sa inyo ni Sir Wilbert at sa buong team!"
"Ito iyong unexpected sikat na deserve talaga. The best Madam Inutz"

Read also

Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety

Agad na nakilala ng publiko Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo sa mahigit 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine sa kanyang mga paninda.

Noong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanyang manager at isa ring vlogger na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing. Mula noon, sunod-sunod na ang mga proyekto ni Madam Inutz.

Kamakailan lang ay inilabas na ni Madam Inutz ang kanyang debut single na "Inutil" kung saan mayroon pa siyang pa-dance challenge para rito kung saan Php100,000 ang mapapanalunan ng grand winner.

Isa rin si Madam Inutz sa mga pinakaaabangan sa Pinoy Big Brother Season 10 matapos niyang i-anunsyo na napili siya bilang isa sa mga celebrity housemate.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel