Ivana Alawi at Marco Gumabao, usap-usapan matapos mamataang magkasama

Ivana Alawi at Marco Gumabao, usap-usapan matapos mamataang magkasama

- Kumalat sa social media ang mga video nina Marco Gumabao at Ivana Alawi na magkasama na naging usap-usapan dahil sa espikulasyong magkarelasyon ang dalawa

- Unang lumabas ang nasabing video nang ibahagi ito sa Instagram Story ng isang IG user na nakasama sa nasabing party kung saan narooon din ang dalawa

- Habang kumakanta si Ivana, makikita ang pagiging malapit nila ni Marco lalo at nakahawak pa ang aktor sa binti ni Ivana

- Wala namang napapabalitang ibang karelasyon ang dalawa kaya marami ang nainiwalang posibleng nagkakamabutihan na sila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hot topic ngayon sa social media sina Marco Gumabao at Ivana Alawi matapos kumalat ang video kung saan namataang magkasama ang dalawa sa isang party. Kahit marami silang mga kasama, makikita ang pagiging malapit nila ni Marco lalo at nakahawak pa ang aktor sa binti ni Ivana.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Ivana Alawi at Marco Gumabao, usap-usapan matapos mamataang magkasama
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Unang lumabas ang nasabing video nang ibahagi ito sa Instagram Story ng isang IG user na nakasama sa nasabing party kung saan narooon din ang dalawa. Wala namang napapabalitang ibang karelasyon ang dalawa kaya marami ang nainiwalang posibleng nagkakamabutihan sila.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit labingtatlong milyon ang kanyang YouTube subscribers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.

Read also

Ate Amira nina Ivana, nakasama nila sa hair makeover bonding ng pamilya Alawi

Kamakailan ay patok din ang vlog ni Ivana kung saan ay napagtripan niyang i-prank ang kanyang kapatid na si Hashim.

Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao. Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel