Hipon Girl, hinangaan sa makapigil hiningang prank nila ni Ivana Alawi sa kapatid nitong si Hash

Hipon Girl, hinangaan sa makapigil hiningang prank nila ni Ivana Alawi sa kapatid nitong si Hash

- Marami ang nagulat sa husay ng pag-arte ni Herlene 'Hipon Girl' sa prank nila ni Ivana Alawi sa kapatid nitong si Hash Alawi

- Inakala ni Hash na ang tanging gagawin nila ay ang 'asking strangers' number prank' ngunit siya pa rin pala ang totoong biktima

- Maging ang mga manonood ay nakumbinsi na totoo ang nangyaring nakunan ng camera

- Hindi kasi nakilala ni Hash si Herlene gayung mayroon itong blonde na wig

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Humanga ang marami sa husay ng acting ni Herlene 'Hipon Girl' Budol sa prank na ginawa nila ni Ivana Alawi sa kapatid nitong si Hash.

Nalaman ng KAMI na ang orihinal na challenge na ginawa nina Ivana at Hash ay ang pagkuha ng phone numbers ng mga random people na kunwari'y makakasalubong lamang nila sa Bonifacio High Street.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Hipon Girl, hinangaan sa makapigil hiningang prank nila ni Ivana Alawi sa kapatid nitong si Hash
Hipon Girl (@herlene_budol)
Source: Instagram

Naging matagumpay naman ang unang part ng challenge. Subalit nagkunwaring nagutom si Ivana at nag-ayang kumain.

Iyon pala, naroon na ang kanyang kasabwat na si Hipon Girl na itinuro ni Ivana na pwedeng kuhanan din ng number ni Hash.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nilapitan nga ni Hash si Hipon Girl na hindi niya agad nakilala dahil umano sa wig na suot nito.

Hindi lang din numero ang nakuha ni Hash kay Herlene, dahil nakipagkwentuhan din ito sa kanya.

Subalit nang biglang dumating pa ang isang kasabwat na si 'Kelly' na nagkunwari naman boyfriend ni Hipon Girl, doon na nagsimula ang animo'y totoong alitan.

Umabot din ng ilang minuto ang eksena na talagang maging ang mga netizens ay napapaniwalang totoo ang bawat eksena. Lalo na nang makisali na rin si Ivana sa kaguluhan.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Nang umaalma na si Hash para ipagtanggol ang kapatid, doon na nila isiniwalat na 'prank' lamang ang makapigil hiningang eksena.

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at TV host sa programang "Wowowin". Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Kamakailan, hinangaan din ng marami si Hipon Girl matapos na ipamigay nito ang lahat ng kanyang nahakot sa 1-minute shopping challenge sa kanya ni Wilbert Tolentino.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel