Herlene 'Hipon' Budol, naiyak nang bisitahin si Madam Inutz
- Hindi napigilang maluha ni Herlene 'Hipon Girl" Budol nang bisitahin nito ang viral online seller na si Queen Inutz
- Isinama ng isa ring vlogger na si Wilbert Tolentino si Herlene nang isurpresa nito si Queen Inutz para mag-abot ng tulong
- Napasaya rin ni Herlene ang ina ng online seller at nakilala siya nito na mula sa programang 'Wowowin'
- Ayon kay Herlene, likas siyang iyakin lalo na sa mga nakakaantig ng pusong eksena gaya nang pagtulong na ginawa ni Wilbert sa pamilya ni Queen Inutz
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Talagang naluha si Herlene "Hipon Girl" Budol nang bisitahin nila para i-surpresa ang nag-viral na online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si "Madam Inutz."
Nalaman ng KAMI na isinama si Herlene ng vlogger na si Wilbert 'Sir Wil' Tolentino sa pagpunta nito kay Madam Inutz na kanyang bibiyayaan.
Nang ipinakilala na ni Madam Inutz sina Wilbert at Herlene sa kanyang ina, mapapansin naiiyak na agad si 'Hipon Girl.'
Agad kasi siyang nakilala ng ina ni Madam Inutz, at sinabing mula raw si Herlene sa programang 'Wowowin.'
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
At nang ibigay na nga ni Wilbert ang Php200,000 na tulong niya kay Madam Inutz at sa pamilya nito, talagang naluha rin si Hipon Girl.
"Naiiyak ako. Hindi ko naman moment ito. Naiiyak talaga ako," pabirong sabi ni Hipon Girl habang patuloy na lumuluha.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Wilbert Tolentino Vlogs:
Si Herlene Nicole Budol a.k.a. "Hipon" ay isang komedyante, aktres at TV host sa programang "Wowowin". Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.
Kamakailan, si Hipon Girl ay nabiyayaan din ni Wilbert Tolentino ng Php100,000.
Maraming netizens din ang natuwa at naantig ang puso sa mga ikinuwento ni Herlene tungkol sa mga pinagdaanan niya sa buhay nang makapanayam siya ni Toni Gonzaga sa 'Toni Talks.'
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh