Herlene 'Hipon' Budol, nakatanggap ng P100,000 bilang tulong mula kay Wilbert Tolentino

Herlene 'Hipon' Budol, nakatanggap ng P100,000 bilang tulong mula kay Wilbert Tolentino

- Nakasama ni Wilbert Tolentino si Herlene "Hipon" Budol" sa kanyang pinakabagong vlog

- Pinaglaro ni Wilbert si Herlene ng pera o kaldero kung saan isa umano sa mga pagpipiliang kaldero ay naglalaman ng P100,000

- Gayunpaman, matapos nilang mabuksan lahat ng kaldero, puro bokya ang laman ng mga iyon

- Dito na sinabi ni Wilbert na balak talaga niya ibigay kay Herlene ang P100,000 bilang tulong sa kanya matapos umano niyang mapanuod ang panayam ni Toni Gonzaga kay Herlene

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang natuwa para kay Herlene "Hipon" Budol matapos mapanood ang bagong vlog ni Wilbert Tolentino kung saan naglaro siya ng Pera o Kaldero.

Isa umano sa mga pagpipiliang kaldero ay naglalaman ng P100,000. Ang kalderong may numerong 8 ang pinili ni Herlene dahil ito daw ang kaarawan ng kanyang ama at naniniwala siyang swerte iyon.

Read also

Lolo na sinagip ng RTIA mula sa tirahan nitong mukhang kulungan ng baboy, pumanaw na

Herlene 'Hipon' Budol, nakatanggap ng P100,000 bilang tulong mula kay Wilbert Tolentino
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram

Aniya, gagamitin niya sa puhunan ng gustong negosyo ng papa niya ang kalahati at para naman sa kanyang negosyo ang kalahati sakaling makuha niya ang P100,000.

Gayunpaman, matapos nilang mabuksan lahat ng kaldero, puro "bokya" ang nakalagay sa mga takip ng kaldero.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dito na inilabas ni Wilbert ang isang kaldero na naglalaman ng P100,000. Aniya, plano talaga niyang ibigay iyon kay Herlene bilang tulong at gusto lamang niya makita kung hanggang saan kakayanin ni Herlene.

Aniya, kagaya niya ay risk-taker din si Herlene.

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

So proud sayo momshie. Talagang tagal kong hinintay na maka collab at matulungan si hipon. Deserve nya po tulong nyo. Bekenemen ibang vlogger jan matulungan nyo din si hipon hehehhee at momshie wilber sana matulungan mo din si Mura po. Panourin nyo vlog ni virgelyncares 2.0

Read also

Jay Costura, sinabing hindi pwedeng gamitin ang "gift" para manakot

That was nice of you sir Wilbert napa ka busilak mo more blessings to come and Good health always
Thank you Ka Freshness for giving Herlene this opportunity. God bless always.

Sumikat si Herelene Budol sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programang Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Naging usap-usapan ang mainit na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel