Virgelyncares, natulungan ang nagpakilalang naitampok ang life story sa MMK

Virgelyncares, natulungan ang nagpakilalang naitampok ang life story sa MMK

- Natulungan ng vlogger na si Virgelyn ang lola na nagpakilalang si Liwayway Lardizabal

- Aniya, naitampok na sa Maalaala mo Kaya ang kanyang buhay kung saan si Christine Reyes pa ang gumanap

- Ngayon, hindi na makalakad ang lola at wala pa siyang kamag-anak na makatutulong sa kanya

- Kaya naman talagang napasigaw siya sa saya nang maabutan siya ng tulong ni Virgelyn

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinuntahan ng vlogger na si Virgelyn ang lola na namumuhay na mag-isa na si Liwayway Lardizabal.

Nalaman ng KAMI na naikwento ni Liwayway na minsan nang naitampok ang kwento ng kanyang buhay sa Maalaala mo Kaya.

Katunayan, may pamagat daw itong 'Larawan' at si Christine Reyes pa ang gumanap bilang siya.

Virgelyncares, natulungan ang nagpakilalang naitampok ang life story sa MMK
Virgelyn kasama si Liwayway (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: Facebook

Nang tingnan nga ito ni Virgelyn at ng kanyang kasama sa YouTube, tumugma naman ito sa mga detalyeng ibinigay ng lola.

Read also

Nurse na COVID survivor, tinupad ang bilin ng lola na pumanaw dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi na raw makalakad si Liwayway at tanging ang mga rebulto ng santo ang kanyang kasama sa kanyang tahanan.

Umaasa na lamang umano siya sa tulong ng kanyang mga kapitbahay subalit minsan, panis na umano ang kanyang nakakain.

Wala rin umano siyang mga kamag-anak sa lugar kaya naman siya na lamang talaga ang namumuhay mag-isa.

Kaya naman talagang napasigaw si Liwayway nang iabot sa kanya ni Virgelyn ang tulong pinansyal nito para sa kanya.

Una siyang inabutan ng Php10,000 ngunit alam ni Virgelyn na matindi ang pangangailangan ni Liwayway kaya naman umabot sa Php25,000 ang naitulong niya rito na labis namang ipinagpapasalamat ng lola.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Virgelyncares 2.0:

Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang vlogger sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.2 million ang kanyang mga subscribers.

Read also

Joey Marquez, tinawanan lamang ang bali-balitang pumanaw na raw siya

Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.

Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.

Kamaikailan, nagdiwang ng kaarawan si Virgelyn kung saan mas pinili niyang makasama ang Aeta community sa kanila para mabigyan niya ang mga ito ng tulong.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica