Maricel Soriano sa pagmamalasakit sa kapwa: "Naiintindihan ko yung sitwasyon e"

Maricel Soriano sa pagmamalasakit sa kapwa: "Naiintindihan ko yung sitwasyon e"

- Ibinisto ng mga anak ni Maricel Soriano kung paano tumulong ang kanilang ina

- Isang halimbawa na naibigay ng panganay niyang anak ay ang pagbibigay ng tip ni Maricel na mas malaki pa sa kanilang aktwal na bill

- Ayon kay 'Marya', napagdaanan niya ang ganoong sitwasyon kaya naman kung tumutulong siya itinotodo na rin niya

- Ganoon din ang kanyang itinuro sa mga anak na bukod sa mag-ipon ay matutong magmalasakit sa kapwa lalo na sa mga labis na nangangailangan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ng mga anak ni Maricel Soriano kung paano tumulong at malasakit ang aktres sa mga taong nangangailangan.

Kwento ng panganay ni 'Marya' na si Marron, bata pa lamang sila ng kapatid niyang si Sebastian ay full values na na talaga ang itinuro sa kanila ng ina.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Maricel Soriano sa pagmamalasakit sa kapwa: "Naiintindihan ko yung sitwasyon e"
Maricel Soriano (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Hindi raw niya makakalimutan tuwing kakain sila, hindi basta-basta ang tip na ibinibigay ni Maricel sa mga restaurant.

"'Pag kumakain kami sa labas, mas malaki pa 'yung tip niya kesa sa bill namin sa restaurant."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paliwanag ni Maricel, naiintindihan niya umano ang sitwasyon kung anong hirap ang dinaranas ng iba nating mga kababayan sa kabila ng kanilang pagsisikap sa pagtatrabaho.

"Naiintindihan ko 'yung mga taong yun uuwi walang dalang cash yan pambili ng gatas ng anak. Pagkain nila para sa hapunan... Nakakaawa hindi ba?" ayon sa nag-iisang 'Diamond Star.'

"Kung meron ka rin palang pantulong edi ipangtulong mo na. Kung tutulong ka, todo pati pamato," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang video na mapapanood sa YouTube channel na MARYA: The Maricel Soriano channel:

Read also

Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang magkapatid na nais ipagamot ang ina

Si Maricel Soriano ay isa sa mga mahuhusay na aktres sa Pilipinas. Siya ang tinaguriang 'Diamond Star' dahil sa hindi na mabilang na kontribusyon niya sa telebisyon man o sa pelikula.

Siya ay tiya ng aktres na si Meryll Soriano na kamakailan ay kanya ring naka-bonding kung saan ipinakilala nito ang kanyang bagong baby.

Isa sa mga naging proyekto ni Maricel kamakailan ay ang teleseryeng 'Ang Sa Iyo Ay Akin'. Matatandaang nakunan pa ng camera ang aksidenteng nangyari sa kanya sa set kung saan nagtamo siya ng sugat sa pagkakahulog ngunit itinuloy pa rin ang kanyang eksena.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel