Herlene Budol, nababaitan kay Mommy Pinty; "Ampunin niyo na kaya ako"

Herlene Budol, nababaitan kay Mommy Pinty; "Ampunin niyo na kaya ako"

- Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Herlene 'Hipon girl' Budol, nasabi nito na nababaitan siya kay Mommy Pinty

- Dahil dito, nais na raw niyang maging bahagi ng Gonzaga family at nais na niyang magpa-ampon sa mga ito

- Nagpasalamat din siya kay Alex na una niyang nakasama sa makulit nilang vlog

- Ayon naman kay Toni, para raw magkapatid sina Alex at Herlene mula nang magkasama ito sa vlog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa mga nabanggit ni Herlene 'Hipon Girl' Budol' sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga na nababaitan siya sa nanay nitong si Mommy Pinty.

Ito ay matapos mabanggit ni Toni na parang kapatid na ang tingin ni Alex kay Herlene mula nang magkasama sila sa vlog.

"Ampunin niyo na kaya ako," pabirong sabi ni Herlene kay Toni. Dahil dito, sinabi ni Toni na magpaalam muna sa kanilang Mommy Pinty.

Read also

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Herlene Budol, nababaitan kay Mommy Pinty; "Ampunin niyo na kaya ako"
Herlene Budol (Photo credit: @herlene_budol)
Source: Instagram

"Mommy Pinty, ano baka naman," panawagan ni Herlene at sinegundahan naman ito ni Toni ng "Kunin na natin si Herlene."

Samantala, pinasalamatan naman ni Herlene si Alex sa mga naitulong nito sa kanya.

Bukod kasi sa mamahaling bag, naniniwala si Hipon Girl na kaya siya nagkaroon ng 1 million subscribers, ay dahil sa naitulong sa kanya ni Alex.

"Sobrang laki ng naitulong ni ate (Alex) sa akin," ayon kay Hipon Girl.

Narito ang kabuuan ng video mula sa 'Toni Talks' sa Celestine Gonzaga-Soriano YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Herlene Nicole Budol a.k.a. "Hipon" ay isang komedyante, aktres at TV host sa programang "Wowowin". Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Read also

Herlene "Hipon Girl" Budol, sinabing nag-1 million ang YT subscribers dahil kay Alex Gonzaga

Kamakailan, buong tapang na sinagot ni Hipon Girl ang akusasyon sa kanya na nabuntis umano siya ng kanyang 'Kuya Wil.'

Maging si Willie ay pinabulaanan ang issue at makailang beses din na lumabas si Hipon Girl sa ilang online shows kung saan mapatutunayang hindi raw siya nagdadalang tao.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel