Kylie Padilla, pinag-ingat umano ng ama sa isang ex niya

Kylie Padilla, pinag-ingat umano ng ama sa isang ex niya

- Sa isang panayam sa podcast nina Sam YG at DJ Chacha, nakapanayam nila sina Andrea Torres at Kylie Padilla

- Isa sa natanong sa kanila ay kung mayroong naging payo ang kanilang mga magulang kaugnay sa kanilang mga nakarelasyon

- Bilang isa sa pinakamainit na usapin ngayon naibahagi ni Kylie na dineretso umano siya ng kanyang amang si Robin at pinag-ingat siya

- Gayunpaman, hindi na niya pinangalanan ang ex na kanyang tinutukoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa gitna ng mainit na usapin ng paghihiwalay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla matapos ang kontrobersiyal na post ni Aljur, marami ang tumutok sa panayam nina Sam YG at DJ Chacha kina Kylie Padilla at Andrea Torres.

Kylie Padilla, pinag-ingat umano ng ama sa isang ex niya
Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Isa sa napag-usapan nila ay tungkol sa mga naging payo ng kanilang mga magulang na hindi nila pinakinggan at kinalaunan ay napagtanto nilang tama ang naging payo sa kanila.

Read also

Kylie Padilla, napa-tweet ng #passdivorcebill matapos ang post ni Aljur Abrenica

Ayon kay Kylie, dineretso siya ng ama at pinag-ingat sa isang karelasyon niya. Para naman umano sa kanyang ina ay wala itong sinabi noong una.

Saka lamang umano ito nagsalita nang unti-unti na silang nagkakaroon ng problema. Hindi na pinangalanan ni Kylie kung sino ang tinutukoy niyang dating karelasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Matatandaang naunang lumabas ang balitang nagkakaproblema sina Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica. Nanatiling tahimik si Kylie kaugnay sa isyu ngunit sa isang panayam ay inamin ni Aljur na sinusubukan nilang ayusin ang kanilang pagsasama.

Read also

Happy Islanders, pumayag makipag-collab sa unang pagkakataon kasama ang DonEkla

Hindi na nila naayos ang kanilang problema at naibahagi ni Robin Padilla sa isang panayam na hiwalay na sina Kylie at Aljur at inamin din nitong 3rd party ang dahilan.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel