Kylie Padilla, napa-tweet ng #passdivorcebill matapos ang post ni Aljur Abrenica

Kylie Padilla, napa-tweet ng #passdivorcebill matapos ang post ni Aljur Abrenica

- Sa kasagsagan ng isyu ng paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica matapos ang viral na post ng aktor, isang tweet ang ibinahagi ni Kylie Padilla

- Napa-tweet ito ng #passdivorcebill ilang oras matapos i-post ni Aljur ang kanyang statement kung saan hinahamon niya si Kylie na sabihin umano ang katotohanan

- Hinamon ng aktor ang asawa na sabihin kung sino ang naunang nagloko na naging dahilan kung bakit umano siya sinukuan na ni Aljur

- Ikinasal sina Aljur at Kylie noong December 11, 2018 matapos ang isang taon mula ng kanilang engagement

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila lalong nagiging matindi ang labasan ng saloobin nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla kasunod ng inilabas na pahayag ng aktor nitong araw. Sa kanyang Twitter account ay napa-tweet si Kylie ng #passdivorcebill.

Kylie Padilla, napa-tweet ng #passdivorcebill matapos ang post ni Aljur Abrenica
Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Umani ng matinding mga reaksiyon at komento ang ibinunyag ni Aljur kaugnay sa umano'y tunay na dahilan kung bakit niya sinukuan ang asawa niya. Hinamon ng aktor ang asawa na sabihin kung sino ang naunang nagloko.

Read also

AJ Raval, ibinahagi ang viral na statement ni Aljur Abrenica

Nabanggit ng aktor na hindi na siya nagsalita dahil sa kanilang napagkasunduan sa kabila ng aniya'y one sided na kwentong nilabas ng ama ni Kylie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Matatandaang naunang lumabas ang balitang nagkakaproblema sina Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica. Nanatiling tahimik si Kylie kaugnay sa isyu ngunit sa isang panayam ay inamin ni Aljur na sinusubukan nilang ayusin ang kanilang pagsasama.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Hindi na nila naayos ang kanilang problema at naibahagi ni Robin Padilla sa isang panayam na hiwalay na sina Kylie at Aljur at inamin din nitong 3rd party ang dahilan.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel