AJ Raval, ibinahagi ang viral na statement ni Aljur Abrenica

AJ Raval, ibinahagi ang viral na statement ni Aljur Abrenica

- Bilang isa sa nabatikos kaugnay sa paghihiwalay ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla, inaabangan din ang magiging reaksiyon at pahayag ni AJ Raval kaugnay sa isyu

- Gayunpaman, nanatili itong tahimik sa isyu sa kabila ng mga natanggap na mga pambabatikos matapos ang paglabas ng mga pictures nilang magkasama ng aktor

- Inamin naman niyang nanliligaw sa kanya ang aktor ngunit wala itong naging pahayag kaugnay sa dati nitong karelasyon

- Hindi naman nakaligtas sa mga netizens ang pag-share ni AJ Raval ng post na ito ni Aljur

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wala nang binitawang salita si AJ Raval kaugnay sa naging pahayag ni Aljur Abrenica sa paghihiwalay nila ni Kylie Padilla. Gayunpaman, ibinahagi niya sa kanyang Facebook Page ang naging pahayag ng aktor.

AJ Raval, ibinahagi ang viral na statement ni Aljur Abrenica
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Isa si AJ sa pinakanakatanggap ng pambabatikos mula sa publiko kasunod ng pag-amin niya na nanliligaw sa kanya si Aljur at pagkakakita sa kanilang dalawa na magkasama.

Read also

Kylie Padilla, napa-tweet ng #passdivorcebill matapos ang post ni Aljur Abrenica

Gayunpaman, nauna nang sinabi ni Kylie na wala namang problema sa kanya na makipag-date sa iba si ALjur dahil napag-usapan na umano nilang mag-asawa iyon at matagal na rin umano silang naghiwalay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nilinaw din niya na hindi si AJ ang naging third party na naging dahil ng kanilang hiwalayan.Matatandaan din na sinabi ni Robin Padilla na si Aljur ang nagkaroon ng third party na naging sanhi ng paghihiwalay ng mag-asawa. Kasunod nito ay iba't-ibang babae ang iniugnay sa aktor at napagkamalang third party.

Ang aktres na si AJ Raval ay anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez. Unang nakilala si AJ sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" ni Direk Darryl Yap.

Read also

Kylie Padilla, may hugot tungkol sa gaslighting kasunod ng patutsada ni Aljur Abrenica

Kamakailan ay pinakita ni AJ Raval ang kanyang silid sa pamamagitan ng isang virtual tour na umani ng mahigit isang milyong views.

Hindi naman nagustuhan ng ama ni AJ ang kanyang daring na picture na kanyang ibinahagi sa Instagram.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel