Happy Islanders, pumayag makipag-collab sa unang pagkakataon kasama ang DonEkla

Happy Islanders, pumayag makipag-collab sa unang pagkakataon kasama ang DonEkla

- Hindi maitago ng Tambalang DonEkla ang kanilang galak na pumayag sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na makipag-collab sa kanila

- Ito umano ang kauna-unahang pagkakataong nakipag-collab sila sa kapwa nila vlogger

- Maging si Philmar na tumigil na sa pagtuturo ng surfing ay pinagbigyan sina Super Tekla at Donita

- Aminado itong nanonood din at naaliw siya sa mga videos ng DonEkla kaya pumayag siyang turuan sila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibihanagi ng DonEkla in Tandem ang kanilang pagpunta sa Siargao kung saan nakasama at nakausap nila sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Masayang ibinahagi ng dalawa na pumayag sina Andi at Philmar na makipag-collab sa kanila.

Happy Islanders, pumayag makipag-collab sa unang pagkakataon kasama ang DonEkla
DonEkla
Source: Instagram

Ito umano ang unang collaboration na ginawa nina Andi kasama ang kapwa nila YouTuber kaya abot-abot ang pasasalamat nina Donita at Tekla.

Kahit tumigil na sa pagtuturo ng surfing, pinagbigyan ni Philmar ang dalawa. Aminado itong naaliw sa mga videos ng DonEkla in Tandem.

Read also

DonEkla, nawindang sa bundle-bundle na perang nakita sa bag-raid kay Sir Wil

Naibahagi ni Philmar na nagsimula siyang mag-vlog noong siya ay 12 years old pa lamang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Puring-puri naman ni Donita si Philmar dahil aniya ay malakas ang dating nito lalo na kapag nakita siya sa personal. Tuwang-tuwa din sila kay Andi na isang kilalang artista na aniya ay mas piniling mamuhay sa Siargao.

Magaling na rin ito makipag-usap gamit ang kanilang salita sa naturang lugar.

Panuorin ang kabuoan ng vlog nila dito:

Ang Tambalang DoNekla ay unang sumikat sa Wowowin. Kinuhang host ni Willie Revillame si Super Tekla sa rekomendasyon na rin ng kanyang kaibigan at kasama sa comedy bar na si Donita.

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla.

Read also

Bagong girlfriend ni Rob Moya, sinamahan ni Toni Fowler magpaganda

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Kamakailan ay isa si Donita sa tumulong upang mapabinyagan ang anak ni Tekla sa dating kinakasama nitong si Michelle Banaag.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel