DonEkla, nawindang sa bundle-bundle na perang nakita sa bag-raid kay Sir Wil

DonEkla, nawindang sa bundle-bundle na perang nakita sa bag-raid kay Sir Wil

- Sa kanilang vlog, hindi nakaligtas si Wilbert Tolentino sa bag raid ng DonEkla in Tandem

- Kahit biglaan ay nawindang sina Donita Nose, Super Tekla at Francine Garcia sa kanilang natuklasan sa loob ng bag ni Sir Wil

- Umabot sa mahigit PhP 700,000 ang laman ng kanyang maliit na bag bukod pa sa mga cards nito

- Paliwanag naman ni Sir Wil, hindi kasi siya masyadong gumagamit ng cards kaya nagdadala siya ng pera para sa emergency

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na nakapalag si Wilbert Tolentino matapos siyang i-bag raid nina Donita Nose at Super Tekla. Walang masyadong maraming laman ang kanyang maliit na bag. Naroon lamang ang kanyang ilang gamit at mga cards.

DoNekla, nawindang sa bundle-bundle na perang nakita sa bag-raid kay Sir WIl
DonEkla
Source: Instagram

Huling pinakita nina Donita ang bundle-bundle na perang nasa bag ng talent manager ni Madam Inutz.

Read also

Happy Islanders, pumayag makipag-collab sa unang pagkakataon kasama ang DonEkla

Umabot sa mahigit PhP 700,000 ang laman ng kanyang maliit na bag bukod pa sa mga cards nito. Paliwanag naman ni Sir Wil, hindi kasi siya masyadong gumagamit ng cards kaya nagdadala siya ng pera para sa emergency.

Hindi umano siya nag-wi-withdraw sa ATM at nag-oover-the-counter siya na aniya ay sa tingin niya ay mas safe.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nabanggit din ng DonEkla at ni Francine Garcia na mahilig talaga tumulong si Sir Wil kahit sa mga taong kanyang nadadaanan sa lansangan.

Ang Tambalang DoNekla ay unang sumikat sa Wowowin. Kinuhang host ni Willie Revillame si Super Tekla sa rekomendasyon na rin ng kanyang kaibigan at kasama sa comedy bar na si Donita.

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla.

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Kamakailan ay isa si Donita sa tumulong upang mapabinyagan ang anak ni Tekla sa dating kinakasama nitong si Michelle Banaag.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel