Pichon, Cheska at Patrick Garcia, kumasa sa ‘Who’s Who’ challenge

Pichon, Cheska at Patrick Garcia, kumasa sa ‘Who’s Who’ challenge

- Puno ng tawanan at halakhakan ang video ng mag-iinang Bing Garcia at kanyang tatlong anak

- Kumasa sa ‘Who’s Who’ challenge ang magkakapatid na Pichon, Cheska at Patrick Garcia

- Ang kanilang ina ang magpapasya kung sino sa tingin niya sa tatlong anak niya ang tinutukoy sa mga katanungang ibabato ng mga in-laws

- Sa halip na isubsob sa harina kagaya sa ginagawa ng karamihan, bubuhusan ng isang tabong tubig ang sinuman sa kanilang tatlo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Patrick Garcia ang isang video kung saan kumasa sa ‘Who’s Who’ challenge ang magkakapatid na Pichon, Cheska at Patrick Garci.

Sa challenge na ito, may ilang katanungang ibabato ang mga in-laws at ang ina nilang si Bing Garcia ang magpapasya kung sino sa kanilang tatlo ang tinutuky sa mga katanungan.

Ilan sa mga naitanong ay kung sino sa kanilang tatl ang may pinakamaraming ex-boyfriend/girfriend. Base sa sagot ng kanilang ina ang panganay na si Pichon ang nagkaroon ng pinakamaraming ex.

Michelle Madrigal at asawa, inaming sumasailalim sila sa marriage counselling

Si Patrick naman ang tinukoy na pinakamalakas humilik. Humirit pa si Doug Kramer na si Patrick umano ay nag-si-sleepwalking.

Pichon, Cheska at Patrick Garcia, kumasa sa ‘Who’s Who’ challenge

Screenshot from Garcia Family/YouTube
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Chesca naman umano ang pinaka stubborn at pinaka magastos.

Layon umano ng video na kanilang ginawa na mas makilala pa ng mga followers nila silang magkakapatid.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Patrick Garcia ay isang aktor na unang nakilala nang mapasali siya sa pelikulang "Separada" noong 1994. Ilan sa mga ginawa niyang teleserye ay "Gimik", "Araw-araw, gabi-gabi", at "Asero."

Siya ang nakababatang kapatid ng dating aktres na si Chesca Garcia. Pinsan siya nng mga aktres na sina Sharmaine Arnaiz at Bunny Paras.

Nagkaroon siya ng anak sa dating karelasyon na si Jennylyn Mercado. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, naging maayos ang kanilang samahan.

Kwento ng tagumpay ng magkasintahang vlogger, nagsilbing inspirasyon sa netizens

Sa katunayan, maging ang kasalukuyan nitong asawang si Nikka Garcia ay malapit kay Alex Jazz. Marami sa mga netizen ang natuwa sa pagbati nina Jennylyn at Nikka tuwing sumasapit ang kaarawan ni Alex Jazz.

Matatandaang naging usap-usapan ang umano'y tampuhan noon ni Nikka at Chesca Garcia. Gayunpaman, matapos lumabas ang mga video na muli silang nagkasama, marami ang natuwa na sa wakas ay nagkaayos sila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel