Magkapatid na nag-aayos ng internet para sa online class, nakuryente at namatay
- Nasawi ang magkapatid sa Bohol matapos na ayusin ang kanilang internet connection
- Tinulungan ng isa ang kapatid na nag-aayos nang booster ng internet nang mapatama ang antenna sa poste ng kuryente
- Inaayos ng magkapatid ang internet connection para sa online class ng isa
- Sinubukan pang dalhin ang dalawa sa ospital ngunit pareho nang dead-on-arrival ang mga ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi inaasahang nasawi ang magkapatid mula sa Dimlao, Bohol na nag-aayos lamang ng internet connection sa kanila mismong tahanan.
Nalaman ng KAMI na nakuryente ang dalawa matapos na ayusin ang booster na magpapabilis umano ng kanilang koneksyon sa internet.
Ayon sa ulat ng Saksi, nakilala ang magkapatid na sina Tristian Hamlag, 26-anyos at si Christian na 20-anyos.
Sa kanilang pagkukumpuni ng linya ng internet, biglang nahulog ang metal na antenna ng ikinakabit na booster sa post ng kuryente. Ito ang dahilan kung bakit nakuryente ang dalawa.
Ayon sa ulat ng Bohol Islands News, unang umakyat si Christian upang ayusin ang booster at sumunod naman si Tristan para tulungan ang kapatid. Sinubukan ding isalba ni Tristan ang kapatid subalit maging siya ay nakuryente na rin.
Parehong nadala pa sa ospital ang dalawa subalit idineklara nang dead-on-arrival ang mga ito base sa ulat ng Inquirer.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tila marami na talagang sakripisyo ng isinasagawa ng mga guro, mag-aaral at magulang para sa "new normal" ng edukasyon.
Kahit pa sabihing maraming learning modalities ang maaring gamitin sa pagkatuto, karamihan pa rin sa atin ay sinisikap na makapasok sa online classes dahil ito lamang ang paraan upang mismong makapanayam at makinig ang guro at maunawaan ang aralin.
Kaya naman maging ang magkapatid na sina Christian at Tristan ay gumagawa sana ng paraan upang mas maayos na makasabay sa kanilang online classes subalit nangyari naman ang hindi inaasahan.
Samantala, iba naman ang naging hinaing ng isang college student na aminadong halos wala na raw matutunan dahil ang nasa isip na lamang niya ay ang makapagpasa ng activity. Dininig naman ito ng kanyang paaralan at nagawan na ito ng paraan.
Kaya naman hiling ng marami, matapos na sana ang pandemya upang makabalik na rin ang mga estudyante sa paaralan kung saan inaasahan silang matuto mula sa itinuturing nilang mga pangalawang mga magulang at ito ay ang kanilang mga guro.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh