Pinoy Big Brother muling magbabalik para sa Season 9

Pinoy Big Brother muling magbabalik para sa Season 9

- Muling magbubukas ang bahay ni Kuya para sa mga aspiring housemates

- Ito ay para sa ika-siyam na season ng reality show na naging daan upang makilala ang ilan sa mga sikat na artista ngayon kaya na lamang ni Kim Chiu

- Magsisimula ang auditions sa October 19 ayon na rin sa anunsiyong ibinahagi sa “ASAP Natin To”

- Ang 9th season ng PBB ay kabibilangan ng mga kalahok mula 16 hanggang 35 taong gulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa sa balitang muling magbabalik ang Pinoy Big Brother season 9. Ito ay tatawaging “Pinoy Big Brother Connect.”

Sa episode ng “ASAP Natin To” ngayong linggo, ibinahagi ang maaring gawin ng mga nais mapasama sa mga housemates ng PBB season 9.

Sa isang video kung saan maririnig ang boses ni Big Brother, ang mga maaring sumali sa audition ay mula 16 hanggang 35 taong gulang.

Bayaning Nars Award, iginawad sa viral nurse na nagpaanak sa kalsada

Maari nilang maipadala ang kanilang one-minute audition video sa pamamagitan ng Kumu livestreaming app.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kailangang kalakip ang pangalan, edad at tirahan ng nais mag-audition. Kailangan din gamitin ang hashtag #PBBKUMUAUDITION.

Pinoy Big Brother muling magbabalik para sa Season 9

Photo from Flickr
Source: UGC

Isang audition lamang sa bawat account ang tatanggapin at makakatanggap ng mensahe mula sa PBB official Kumu account ang mga napililing auditionee. Magsisimulang tumanggap ng audition videos ngayong October 19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show kung saan kinakailanagan mamalagi ng mga kalahok sa isang bahay na kilala sa tawag na Pinoy Big Brother House. Matutukoy ang big winner sa pamamagitan ng pagtagumpay sa mga hamon na dapat kaharapin sa lob ng bahay at sa tulong na rin ng mga boto mula sa manonood.

Kim Chiu, ibinahagi ang masayang bonding moment kasama ang kapatid at pamangkin

Matatandaang ang huling season ng PBB na napanood ay ang PBB Otso kung saan hinirang na Big four sina Yamyam Gucong, Kiara Takahashi, Andre Brouillette, at Lou Yanong.

Marami sa mga sikat na artista ngayon ay produkto ng PBB. Ilan lamang sa kanila ay sina Kim Chiu, Melai Cantiveros, James Reid at marmai pang iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel