Paglabas ng mga pasahero sa lumiyab na bus, sapul sa video
- Panibagong trahedya ang gumimbal sa marami ngayong araw ng Linggo, ika-3 ng Enero
- Isang pampasaherong bus ang lumiyab sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City
- Nakuhanan naman ng video ang paglabas ng mga pasahero sa nasabing bus sa pamamagitan ng bintana sa likod na bahagi ng bus
- Tinukoy naman ng otoridad na rumisponde ang dalawang nasawi sa nasabing insidente
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang bus ang lumiyab sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City ngayong Linggo ng hapon, ika-3 araw ng Enero.
Makikita sa isang video na kuha ng Facebook user na si Jaypee Campos kung paano nakatakas ang mga pasahero mula sa bus na lumiyab.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Makikitang umaapoy sa unahang bahagi ng bus at sa pamamagitan ng bintana sa likod na bahagi ay nakalabas ang karamihan sa mga pasahero.
Dinig din ang hiyawan at paghingi ng saklolo ng mga tao sa nasabing video.
Samantala, ayon sa ulat ng ABS-CBN News na nakapanayam ang Fairview Fire Substation Commander Inspector na si Lyn Mercado, dalawa ang nasawi sa insidente at apat ang nasugatan.
Kinumpirma din ni Mercado na ang nasabing konduktora at lalaking pasahero ang nasawi sa naturang sunog. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lalaking pasahero.
Payo ni Mercado para sa lahat na bumibiyahe at sumasakay sa pampublikong sasakyan kagaya ng bus, maging alerto palagi at iwasan ang pagdala ng mga delikadong bagay kagaya na lamang ng mga flamable material na sinasabing pinagmulan ng sunog.
May fire extinguisher naman umano ang bus ngunit hindi na nito kinayang apulahin ang apoy dahil sa bilis ng pagkalat nito.
Tumagal ng halos isang oras ang pag-apula ng apoy matapos makatanggap ng report ang Fairview Fire Substation dakong alas 12:35 ng tanghali.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Samantala, marami ang nalungkot sa trahedyang ito lalo at kapapasok pa lamang ng taong 2021. Marami ang umaasang maging mas maganda ang taong 2021 matapos ang masalimuot na taon ng 2020 dahil sa mga trahedya tulad ng mga pagbaha, bagyo, lindol at pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh