Diarrhea outbreak sa Davao Occidental, kinumpirma ng DOH
- Marami ang nabahala sa balitang may bagong sakit na kumakalat ngayon sa Davao Occidental
- Ito ay matapos kumalat sa social media ang mga panawagan ng tulong dahil sa dami ng naapektuhan ng nasabing karamdaman
- Kinumpirma ng Department of Health sa nasabing lalawigan ang tungkol sa diarrhea outbreak nitong Linggo, January 3, 2020
- Ayon sa pahayag na inilabas ng kagawaran, umabot sa 34 katao ang naapektuhan ng nasabing outbreak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang senior citizen ang nasawi at 33 pa ang naospital dahil sa napapabalitang diarrhea outbreak sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental. Marami ang nanawagan sa pamamagitan ng social media para manghingi ng tulong hinggil sa kasalukuyang sitwasyon sa nasabing lugar.
Kinompirma ng DOH Davao ang balita sa pamamagitan ng inilabas na statement ng kagawaran nitong Linggo, January 3, 2020.
Ayon naman kay Roger Deloy ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Jose Abad Santos, mula sa Barangay Butuan ang 34 residenteng isinugod sa ospital.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"’Yung 34 (na dinala sa ospital) ay diyan lang sa isang barangay sa Butuan Jose Abad Santos, Davao Occidental," aniya.
25 sa mga biktima ang kasalukuyang inoobserbahan. Nakatakda namang bisitahin ng Regional Epidemiology Surveillance Unit ang nasabing barangay upang makakuha ng sample ng tubig kung saan pinaghihinalaang nakuha ng biktima ang sakit.
Nagpadala na rin ang DOH-Davao ng mga gamot at intravenous fluids sa Tomas Lachica District Hospital kung saan dinala ang mga biktima.
Palala ng kagawaran, mahalaga ang malinis na inuming tubig at paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang panganib na dulot ng diarrhea.
Matatandaang kumalat sa social media ang mga panawagan ng tulong dahil sa dami ng naapektuhan ng nasabing karamdaman. Sa mga screenshot na ibinahagi ng Facebook Page na Davao Updates, marami ang nabahala dahil sa mga paghingi ng tulong ng mga residente.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Personal namang binisita ni Jose Abad Santos Vice-Mayor James John Joyce ang 34 residenteng na-ospital sa Tomas Lachica District Hospital at kasalukuyang inoobserbahan ang kanilang kondisyon.
Samantala, patuloy na nagiging mainit na usapin ang tungkol sa pagresponde ng DOH sa kasalukuyang pandemya. kamakailan ay sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque na magsisimula na ang pagbabakuna laban sa COVID ngayong Marso.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh