OFW sa Malaysia, nakapagpundar ng bahay at lupain sa loob lang ng 4 na taon
- Nakakabilib ang isang OFW sa Malaysia na nakapagpundar na ng sariling bahay
- Bukod pa rito, mayroon na rin silang taniman ng tubo at iba pang mga naipundar na mga kagamitan sa kanilang tahanan
- Maswerte raw siya sa kanyang amo na napakabuti sa kanila at hindi sila itinuring na iba
- Masasabi niyang ligtas din siya sa COVID-19 dahil sa proteksyong binibigay sa kanila ng amo na nagmamalasakit din sa kanilang kalusugan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi ng OFW na si Janice Dalida Esmeña ang nakaka-inspire niyang kwento sa pakikipagsapalaran sa Malaysia.
Masasabi niyang maswerte siya sa kanyang amo na maayos ang pakikitungo sa kanya.
Dahil dito, mabilis siyang naka-ipon at nakapagpatayo ng sarili nilang tahanan.
Bukod dito, mayroon na rin silang lupain na taniman ng tubo.
Taliwas sa ibang mga kwentong OFW na sadyang nakakadurog ng puso, mapalad si Janice na biniyayaan siya ng maayos na hanapbuhay kahit malayo siya sa kanyang pamilya.
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na binahagi sa KAMI:
"Ako po si Janice Dalida Esmeña 37 years old isang OFW sa Malaysia at isang domestic helper sa loob ng apat na taon. Housewife lang ako noon sa Pinas.
Naisipan kong mag abroad para po makapagpatayo ng bahay at maka-ipon para sa kinabukasan ng pamilya lalo na sa pang school ng mga bata.
Meron po akong mga anak yung babae is 13 yrs old tapos yung lalaki is 10 yrs old. Yung girl is incoming grade 9 this year and yung boy po is incoming grade 6. Ang asawa ko ang nag-aalaga sa kanila ngayon sa probinsya ko sa Pontevedra Negros Occidental.
Thank God na ang amo ko super mabait, generous at may golden heart na employer sobrang blessed and thankful po kasi nakahanap at nakatagpo ako ng employer na katulad nila. Dinadala po ako ng amo ko na sa 'Twin Towers', 'Pavillion Malls' at sa iba pa pong malls sa Malaysia.
Hindi naman po naapektuhan ang trabaho ko sa pandemic kasi hindi naman po ako lumalabas. Andito sa bahay yung mga amo ko lockdown last 3 months ago at yung amo kong babae tinutulungan ako sa gawaing bahay nung lockdown.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang naipundar ko po sa Pilipinas is yung bahay, 43 inches tv na pinakabitan ko na rin ng cable, maliit na lupain para sa taniman ng tubo, appliances at cellphone ng anak ko.
Ang magandang naidulot po sa akin ng pagtatrabaho abroad is nakapagpundar ako ng aking sariling bahay na pinapangarap ko lang noon natupad na ngayon. At yung mga anak mabigyan ko ng ano ang gusto nila kasi may trabaho na ako.
Ang aking realization sa buhay is di pa huli na matupad lahat ng pangarap, na makaipon para sa mga anak, makatulong sa pamilya lalo na sa mga magulang."
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh