Lolo na hinihinalang may Parkinson's disease, matiyagang naglalako pa rin ng basahan

Lolo na hinihinalang may Parkinson's disease, matiyagang naglalako pa rin ng basahan

- Viral ang maiksing video kung saan makikitang naglalako ng basahan ang isang matandang hirap nang maglakad at inboluntaryong gumagalaw ang ilang bahagi ng katawan

- Makikitang hirap na itong maglakad habang bitbit ang panindang basahan at inaalok sa mga taong kanyang mga madadaanan

- Hinihinala ng marami na mayroong Parkinson's disease ang matanda o 'di kaya nama'y kagagaling lamang nito sa pagkakaroon ng stroke

- Nakaramdam ng awa ang mga netizens na nakakita sa video at hiling nilang maabutan ng tulong ang lolo upang hindi na ito mahirapan sa pagtitinda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadurog ang puso ng maraming netizens nang makita ang maiksing video ng lolo na bagaman at hirap nang maglakad ay matiyaga pa ring naglalako ng mga basahan.

Bukod sa may kabagalan ang kanyang paglalakad, mapapansin ding hindi niya mapigilan ang inboluntaryong paggalaw ng ilang bahagi ng kanyang katawan.

Read also

5-anyos na batang nagsusulat ng kanyang pangalan, nais na lamang papalitan ito ng 'Boy'

Dahil dito, hinihinala ng maraming netizens na nakakita ng video na maaring mayroong Parkinson's disease ang lolo o di kaya naman ay kagagaling lamang nito sa stroke.

Lolo na hinihinalang may Parkinson's disease, matiyagang naglalako pa rin ng basahan
Sa halagang ₱20, nilalako ng matanda ang mga basahan na ipambibili raw niya ng gamot Photo: OFW JOIN FORCE - Philippine Chapter
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI ₱20 lamang ang isang balot ng basahang nilalako ng matanda na siyang pambili raw niya ng kanyang gamot.

Mas lalong nakakaawang tingnan ang kanyang kalagayan dahil halos walang bumili sa kanyang mga nadadaanan at kadalasan ay nilalampasan lamang siya.

Maraming netizens ang nais na magpaabot ng tulong sa matanda na sa kabila ng hirap ng kanyang sitwasyon ay kinakailangan paring maghanapbuhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento at wala silang ibang hangad kundi matulungan ang lolo:

"Hindi ko sya kilala o kaano ano pero nasasaktan ako. Sa kadahilanang gusto ko syang tulungan pero wala akong magawa"
"Sa ganyang edad dapat nagpapahinga nalng sila sa bahay. I felt so sad"

Read also

Mag-lola na binaha sa Cagayan, dinagsa ng tulong matapos mag-viral

"Kawawa naman. Kung ako nakakita sayp, papakyawin ko lahat ng paninda mo tatay. Dapat sa bahay ka na lang at nagpapahinga eh pero dahil sa hirap ng buhay ngayon kailangan mo pa ring gawin yan"
"Wala ka po ba ibang kamag-anak na pwedeng magtrabaho tay? Hirap na hirap na po kayo e pero ikaw pa rin ang nagtatrabaho na dapat ay nagpapahinga ka na lang"
"Nakakahiya naman sa mga malalakas at walang kapansanan pero ang alam lang ay manghingi ng panggastos nila. Proud of you tatay kahit mahina at may iniindang sakit, naghahanapbuhay ka pa rin"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Parkinson's disease at isang uri ng brain disorder na nagiging sanhi ng panginginig o inboluntaryong paggalaw ilang bahagi ng katawan, hirap sa paglalakad at hirap din sa pagsasalita. Wala man itong lunas sa ngayon ngunit maari silang mabigyan ng gamot upang maibsan ang ilang nakababahalang sintomas.

Read also

Estudyanteng naglalako sa gilid ng kalsada, dumadalo pa rin ng online classes

Kamakailan, nag-viral din ang larawan ng isang lolo na sa kabila ng katandaan ay dumidiskarte pa rin ng pagtitinda at sinasabit pa niya ito sa kanyang katawan.

Lalo na ngayong pandemya, kung saan mas lalong naging mahirap ang buhay sa karamihan, maging ang mga kababayan nating may edad na ay napipilitang maghanapbuhay mayroon lamang mailaman sa kumakalam na sikmura.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel