Misis, inireklamo ang mister na nagloko agad matapos ang kanilang kasal

Misis, inireklamo ang mister na nagloko agad matapos ang kanilang kasal

- Dumulog na kay Raffy Tulfo ang misis na inireklamo ang mister na nagloko agad isang linggo matapos ang kasal nila

- Anim na taon nang nagsasama ang dalawa at kakakasal lamang nila noong Marso 9

- Makalipas ang isang linggo, nagpaalam ang mister na nag-stay in sa katrabaho dahil sa community quarantine

- Doon, nabisto ng misis na hindi lamang katrabaho ng mister ang tinuluyan kundi ito rin ang kanyang bagong kinakasama

- Dahil tila nagmamataas pa rin ang sinasabing babae ng mister, mas lalong naging desidido ang misis na kasuhan ang mister at kabit nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masama ang loob ng misis na si Mona Pilapil na dumulog kay Raffy Tulfo upang ireklamo ang naglokong mister na si Benjie Pilapil.

Nalaman ng KAMI na nito lamang Marso 9 ng kasalukuyang taon ikinasal si Mona at Benjie at isang linggo lamang makalipas ang seremonya ay nagloko na raw ang lalaki.

Kwento ni Mona, nagpaalam ang kanyang mister na mag-stay in sa katrabaho dahil community quarantine na nang panahon na iyon.

Nalaman ng misis na ang tinuluyan pala ng mister ay ang sinasabing babae nito na si Sarah Ramos.

Nakipaghiwalay na raw si Benjie sa kanyang misis ngunit masama pa rin ang loob nito lalo na at basta na lamang siyang iniwan nito.

"Ang gusto mong mangyari maghiwalay tayo na parang mag-jowa lang, kasal tayo Benjie!" pahayag ni Mona nang binigyan sila ng pagkakataon mag-usap ni Tulfo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Itinatanggi pa rin ni Benjie ang pakiki-apid na inaakusa sa kanya ng misis sa kabila ng mga ebidensyang nakalap nito.

Maging ang sinasabing babae ng mister na si Sarah ay itinatangging may relasyon sila at tila nagmamataas pa rin base sa obserbasyon ni Tulfo.

Bwelta ng misis, maging ang tiya at mismong ina ni Benjie ang nagkumpirma sa relasyon nito kay Sarah.

Dahil sa matinding tagpong ito, lalong naging buo ang desisyon ni Mona na sampahan ng kaso ang mister at ang sinasabing kalaguyo nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ang kabuuan ng episode ng Idol in Action:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel