April Boy Regino, pumanaw na ayon sa kapatid na si Vingo Regino

April Boy Regino, pumanaw na ayon sa kapatid na si Vingo Regino

- Pumanaw na ang novelty singer na si April Boy Regino ayon sa kanyang kapatid na si Vingo Regino

- Ibinahagi ni Vingo ang malungkot na balita tungkol sa kanyang kuya ngayong araw ng Linggo, November 29, 2020

- Pumanaw ang mang-aawit na unang sumikat noong dekada '90 sa edad na 59 taon lamang

- Ilan sa mga pinasikat na awitin ni April Boy ay 'Di ko Kayang Tanggapin, Esperanza, Sana'y Laging Makapiling at marami pang iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma ng kapatid ni April Boy Regino na si Vingo Regino ang malungkot na balitang pumanaw na ang kanyang kuya.

Ibinahagi ni Vingo ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang Facebook post ngayong Linggo, November 29, 2020.

Si Vingo ay isa sa bahagi ng grupo nilang magkakapatid na tinawag na April Boys.

Angel Locsin, ibinunyag na nabigyan ng trabaho ang ilang Kapamilya employees
April Boy Regino, pumanaw na ayon sa kapatid na si Vingo Regino

Photo from Idol April Boy Regino
Source: Facebook

Matatandaang naiulat na nagkaroon siya ng prostate cancer kaya niya iniwan ang showbiz.

Matapos mapagtagumpayan ang laban sa cancer, malaki ang pasasalamat niya sa asawang si Madel. Ayon sa pahayag ni Madel na inulat ng Inquirer.net noong 2011, nakaranas ng depresyon ang asawa matapos malaman ang tungkol sa pagkakaroon niya ng sakit.

Sa isang ulat ng ABS-CBN News, na diagnose ang mang-aawit ng diabetes na naging sanhi ng unti-unting pagkawala ng kanyang paningin.

Gayunpaman, dahil sa tuloy-tuloy na pagpapagamot ay naibalik ng paunti-unti sa normal ang kanyang paningin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Wala na po akong ganang kumanta. Simula po nung nabulag ako eh, parang bang nawalan na ako ng pag-asa sa buhay ko, nawalan na ako ng ganang mabuhay, kaya hindi ko na inisip na kakanta pa uli ako," ani Regino.

Asawa ni April Boy Regino, napahagulgol sa pagpanaw ng asawa

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si April Boy ang leader ng grupong April Boys trio, na nakilala at sumikat nang husto noong dekada 90. Ilan sa mga awiting sumikat ni April Boy ay “Paano ang Puso Ko,” “Umiiyak na Puso” at “Ye Ye Vonnel”. Nag-migrate ang kanyang pamilya sa Las Vegas, Nevada, noong 2004.

Maging si Willie Revillame ay naantig sa pinagdaanan ni April Boy at nagbahagi ng tulong para sa singer-songwriter matapos ilabas ang kwento ng kanyang buhay sa telebisyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel