April Boy Regino ngayon, at ang mga pagsubok at leksyon na natutunan niya sa buhay

April Boy Regino ngayon, at ang mga pagsubok at leksyon na natutunan niya sa buhay

- Sino bang makakalimut sa Jukebox King na si April Boy Regino na nagpasikat ng maraming kanta sa '90s?

- Siya lang naman ang iconic OPM singer at songwriter na nagpaiyak at nagpatawa sa ating mga puso sa kanyang mga memorable na linya sa kanyang mga kanta

- Ating kumustahin ang isa sa mga legendary sa mga orihinal na musikang Pilipino na minahal ng buong bayan dahil sa kanyang mga nakakaanti sa damadamin na mga kanta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naispatan ng KAMI ang nagtrending na kwentong ito sa buhay ni April Boy Regino ngayon.

Hindi din naman natin masisisi ang mga Pinoy na mamiss ang Jukebox King dahil sa maraming kanta na pinaibig niya tayo.

Sinong makakalimut sa mga linyang ito:

“‘Di ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin. Napakasakit na marinig kung mawawala ka sa piling ko.“

Ito lang naman ang tumatak na lyrics o linya sa isa sa mga iconic na kanta ni April Boy Regino na pinamagatang 'Di Ko Kayang Tanggapin.'

Marami na ding pinagdaanan ang music icon sa kanyang personal na buhay at isa sa napakalaking pagsubok niya ang pagkakasakit niya.

At tila hindi siya inalisan ng pagsubok sa buhay nang siya ay nabulag, kaya daw nawala ang kanyang faith sa unang mahal niya, ang musika.

Saad pa umano niya:

“Wala na po akong ganang kumanta. Simula po nung nabulag ako eh, parang bang nawalan na ako ng pag-asa sa buhay ko, nawalan na ako ng ganang mabuhay, kaya hindi ko na inisip na kakanta pa uli ako.”

Kamakailan nga ay isinawalat niya sa publiko sa pamamagitan ng kanyang TV guesting sa programa ni Willie Revillame ang Wowowin sa GMA-7 ang nakakalungkot na pangyayari.

Naispatan namin ang kwentong ito sa Pilipino Scoop.

Ang iba pang mga kanta na tumatak talaga sa ating puso ay ang 'Paano Ang Puso Ko,' Umiiyak Ang Puso,' 'Honey My Love So Sweet,' at marami pang iba.

Siya lang din naman ang kumanta sa napakasikat na teleserye ng Kapamilya network na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos ang 'Esperanza.'

Ito lang naman ang iilan sa mga iconic songs ng legendary singer na si April Boy Regino na unang nakilala bilang parte sa novelty group na April Boys.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look

May pinagdadaanan? Alessandra de Rossi, ginulat ang mga fans sa kanyang bagong look
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel