Anak ni April Boy Regino, naiyak sa music video ng ginawa ng ama

Anak ni April Boy Regino, naiyak sa music video ng ginawa ng ama

- Marami ang naantig sa reaksiyon ng anak ni April Boy Regino sa music video ng ama

- Kasalukuyan itong nasa ibang bansa habang ang kanyang mga magulang ay nasa Pilipinas

- Ginawa ang video na ito na pinamagatan niyang Sulat para kay Itay bago pa man pumanaw ang mang-aawit

- Isang sulat din ang binahagi niya bilang pasasalamat at pagpupugay sa mga sakripisyo ng ama para sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maiyak ng anak ni April Boy Regino sa music video na ginawa ng ama. Ibinahagi ni Charm Regino ang nasabing reaction video noong November 6, 2020 na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube Channel.

Kasalukuyang nasa San Diego si Charm. Habang ang kanyang pamilya ay nasa Pilipinas.

Ang music video ng awiting Tanging Hiling ni April Boy ang kanyang pinanood.

Read also

April Boy Regino, pumanaw na ayon sa kapatid na si Vingo Regino

Anak ni April Boy Regino, naiyak sa music video ng ginawa ng ama
Photo from Idol April Boy Regino
Source: Facebook

Muling binalikan ng mga netizens ang nasabing video matapos lumabas ang balitang pumanaw na ang novelty siner.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Charm, ginawa ng ama nya ang kanta hindi lamang para sa kanya kundi para sa lahat ng taong may karamdaman.

Isang sulat din ang kanyang ibinahagi para magpasalamat sa kanyang ama na nagbigay sa kanila ng magandang buhay.

Matatandaang naiulat na nagkaroon siya ng prostate cancer kaya niya iniwan ang showbiz. Matapos mapagtagumpayan ang laban sa cancer, malaki ang pasasalamat niya sa asawang si Madel. Ayon sa isang pahayag ni Madel na inulat ng Inquirer.net noong 2011, nakaranas ng depresyon ang asawa matapos malaman ang tungkol sa pagkakaroon niya ng sakit.

Sa isang ulat ng ABS-CBN news, na diagnose ang mang-aawit ng diabetes na naging sanhi ng unti-unting pagkawala ng kanyang paningin. Gayunpaman, dahil sa tuloy-tuloy na pagpapagamot ay naibalik ng paunti-unti sa normal ang kanyang paningin.

Read also

Kathryn Bernardo, ipinasilip ang kanyang kitchen na kakatapos lang i-renovate

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si April Boy ang leader ng grupong April Boys trio, na nakilala at sumikat nang husto noong dekada 90. Ilan sa mga awiting sumikat ni April Boy ay “Paano ang Puso Ko,” “Umiiyak na Puso” at “Ye Ye Vonnel”.

Nag-migrate ang kanyang pamilya sa Las Vegas, Nevada, noong 2004. Maging si Willie Revillame ay naantig sa pinagdaanan ni April Boy at nagbahagi ng tulong para sa singer-songwriter matapos ilabas ang kwento ng kanyang buhay sa telebisyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel