Bumuhos ang luha ni April Boy Regino sa malaking tulong na ibinigay ni Willie

Bumuhos ang luha ni April Boy Regino sa malaking tulong na ibinigay ni Willie

- Lingid sa kaalaman ng iba si April Boy Regino ay isa sa pinakasikat na singer-songwriter noong early 90s at 2000s.

- Pinasikat niya ang mga kantang "Umiiyak ang Puso," "Paano Ang Puso Ko," "Di Ko Kayang Tanggapin," "Esperanza," "Sabi ng Puso Ko," "Ye Ye Bonnel, " at maraming pang iba.

- Noong 2014, dumating ang unos sa buhay niya at ang akala niya ay tapos na, mayroon pang ibang sakit na nadiagnosed siya na siyang dahilan ng kaniyang pagkabulag at isa sa unang mga tao na tumulong sa kanya ay si Willie Revillame.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang mga kanta ni April Boy Regino ay nagiging paboritong awitin ng sambayanang Filipino dahil sa mga tagos sa puso na mga lyrics na sinusulat niya.

Pero sa taas ng kasikatan niya ay tila siya ding pagbagsak sa kalusugan at kabuhayan ng singer-songwriter.

Ayon na din sa pagbahagi ni April Boy sa show ng 'Wowowin' noong Martes, June 20, si Willie daw ang tumulong sa kanya para maoperahan ang kanyang mata dahil nabulag siya.

Naispatan ng KAMI ang naturang video ng naturang palantuntunan at bumuhos ng luha pati ang mga audience.

Noong 2014 ay nagquit siya sa showbiz dahil na diagnosed daw siya ng prostate cancer pero diumano'y binalita din niya kalaunan sa 'Startalk' ng 'GMA-7' dati na 'cancer-free' na daw siya, at hanggang sa nagkaroon siya ng isang karamdaman sa puso.

At noong 2015, ay na diagnosed naman daw siya ng 'Diabetic Retinopathy,' isang sakit na siyang dahilan sa pagkabulag ng kanyang kaliwang mga mata pero tinulungan daw siya ni Willie na makapaopera.

Tingnan ang naturang episode sa baba

At dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis

Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis

Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel