Asawa ni April Boy Regino, napahagulgol sa pagpanaw ng asawa
- Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ng maybahay ni April Boy Regino kasunod ng pagpanaw ng asawa
- Kalakip ng kanyang emosyonal na mensahe ay ibinahagi nito ang ilang tagpo matapos tuluyang pumanaw ang mang-aawit
- Marami ang naantig sa nakakaiyak na eksena kung saan napahagulgol si Madelyn Regino
- Si April Boy Regino ay sumikat noong dekada 90 bilang isang singer-songwriter
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matindi ang paghagulgol ng maybahay ni April Boy Regino habang yakap-yakap niya ang katawan ng namayapang asawa.
Base sa kanyang ibinahaging mga video, nasa ospital nakuhanan ang nasabing tagpo kung saan pumanaw ang novelty singer.
Inihayag ni Madelyn Regino ang kanyang nararamdaman sa pagpanaw ng asawa. Base din sa kanyang post, Stage 5 Chronic Kidney Disease at Acute Respiratory Disease ang sakit ng mang-aawit.
No More Pain Sa Iyo Mahal .. Sobrang Pain Naman Sa Akin... Sabi mo gusto mo pang mabuhay dahil gusto mo pa akong makasama. Bakit mo ako iniwan ? Ang Daya Mo Mahal ! Hindi ko pa kaya!!!
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matapos mapagtagumpayan ang laban sa cancer, malaki ang pasasalamat niya sa asawang si Madel. Ayon sa isang pahayag ni Madel na inulat ng Inquirer.net noong 2011, nakaranas ng depresyon ang asawa matapos malaman ang tungkol sa pagkakaroon niya ng sakit.
Sa isang ulat ng ABS-CBN news, na diagnose ang mang-aawit ng diabetes na naging sanhi ng unti-unting pagkawala ng kanyang paningin. Gayunpaman, dahil sa tuloy-tuloy na pagpapagamot ay naibalik ng paunti-unti sa normal ang kanyang paningin.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Si April Boy ang leader ng grupong April Boys trio, na nakilala at sumikat nang husto noong dekada 90. Ilan sa mga awiting sumikat ni April Boy ay “Paano ang Puso Ko,” “Umiiyak na Puso” at “Ye Ye Vonnel”.
Nag-migrate ang kanyang pamilya sa Las Vegas, Nevada, noong 2004. Maging si Willie Revillame ay naantig sa pinagdaanan ni April Boy at nagbahagi ng tulong para sa singer-songwriter matapos ilabas ang kwento ng kanyang buhay sa telebisyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh