Sorbetero na naka-long sleeves at necktie sa pagtitinda, hinangaan ng marami

Sorbetero na naka-long sleeves at necktie sa pagtitinda, hinangaan ng marami

- Agaw pansin sa social media ang post tungkol sa ice cream vendor na naka-long sleeves pa at naka-necktie sa kanyang paglalako

- Inakala pa ng netizen na bumili sa kanya na galing ito ng simbahan o kung saanman, subalit laking gulat niya nang malamang araw-araw na ganoon ang kanyang suot sa paglalako

- Ang isa pang kapansin-pansin sa sorbetero ay ang disenyo ng paglalagay niya ng ice cream sa cone na hugis bulaklak

- Humanga ang maraming netizens at hangad nilang makilala at mabigyan ng raket na mga events ang sorbetero na kinakitaan ng kahanga-hangang dedikasyon sa trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang sorbeterong si "Kuya June" matapos na makunan siya ng larawan na naka-long sleeves at naka-necktie sa paglalako niya.

Nalaman ng KAMI na namangha ang netizen na si Jassy Sarthou kay Kuya June nang minsang naabili siya rito ng ice cream.

Read also

Single mom na OFW, may sariling travel and tours business na sa loob lang ng dalawang taon

Nang kanyang usisain ang sorbetero, araw-araw daw na ganoon ang kanyang suot sa kanyang pagtitinda.

Sorbetero na naka-long sleeves at necktie sa pagtitinda, hinangaan ng marami
Ang disenyo ng ice cream na ginagawa ng sorbeterong si Kuya June Photo from Jassy Sarthou
Source: Facebook

Inakala kasi ni Jassy na galing sa pagsisimba o kung saanmang kaganapan ang sorbetero.

Ang isa pang nakamamangha rito ay ang disenyo ng ice cream niya na hindi pangkaraniwan.

Nagawa niya kasi itong hugis bulaklak na nasa apa. Kitang-kita raw ang dedikasyon ng ice cream vendor sa kanyang hanapbuhay na bagaman at simple ngunit kanya pa rin itong pinapahalagahan.

"Di ko sya ka-ano-ano, baka lang kasi need nyo ng sorbetes supplier, and I think na perfect sya on how he present yung sarili nya and how he makes his every ice cream pleasing to the eyes - sobrang nagpapakita na yun ng strong work ethics nya," ang sabi pa ni Jassy.

At maging ang ibang mga netizens ay humanga sa kanya dahil sa pagpapakita niya ng magandang ehemplo na anumang trabaho na mayroon tayo ay dapat na ipagmalaki basta ito ay marangal.

Read also

Bagong commercial ng RC Cola, ikinagulat ng maraming netizens

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"It shows na he loves his job. Bravo kuya June"
"Ito ang masarap na bilhan at tulungan, saludo po kami sa iyo"
"Todo effor at talagang creative siya, yan pa lang ata ang ice cream na lansangan na ganyan ang design, ang galing!"
"Kudos to you Kuya June, nakakabilib po kayo"
"We will definitely contact him for our Pinoy-themed wedding next year"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral din ang ice cream vendor sa nagpanggap na pagod na rider na kulang ang pera. Nauunawaan daw asi ng sorbetero ang hirap ng buhay kaya tinanggap niya kahit kulang ang pera ng rider na magbibigay pala ng talaga ng tulong sa kanya.

Read also

OFW sa Saudi, sinuwerte sa among napakaayos ng trato sa kanya

Samantala, isang sorbetero rin na putol ang isang binti ang natulungan ng napadaang vlogger. Namangha ang vlogger sa kasipagan ng tindero ng ice cream kaya naman binigyan niya ito ng malaking halaga ng pera para maiuwi nito sa kanyang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica