Ice cream vendor na putol ang isang binti, natulungan ng napadaang vlogger

Ice cream vendor na putol ang isang binti, natulungan ng napadaang vlogger

- Viral ang video ni The Hungry Syrian Wanderer kung saan natulungan niya ang isang ice cream vendor na kanyang nadaanan

- Bibili lamang daw sana ng tiles ang kilalang Syrian vlogger sa bansa nang mamataan niya ang ice cream vendor

- Nadurog ang puso niya sa kalagayan nito kaya naman hindi siya nagdalawang isip na tulungan

- Imbis na makabili ng tiles para sa ipinagagawa niyang bahay, ibinigay na lamang niya ang perang pambili sa masipag na ice cream vendor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ice cream vendor na putol ang isang binti, natulungan ng vlogger

Ice cream vendor (Photo from The Hungry Syrian Wanderer Facebook)
Source: Facebook

Isa na namang masuwerteng kababayan natin ang natulungan ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer."

Nalaman ng KAMI na natulungan ni Basel ang isang ice cream vendor na putol ang isang binti na kanya lamang nadaanan.

Bibili raw sana ng mga tiles si Basel para kanyang bahay nang mamataan ang ice cream vendor na bitbit ang paninda habang naka-saklay.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Bagaman at hirap sa kanyang kalagayan, binabagtas niya ang mga daanan para lamang maka-benta at may maiuwing kita sa kanyang pamilya.

Isa rin sa mga dahilan ng kanyang pagsusumikap ay ang renta ng kanilang tinitirhan na umabot na sa P5,000.

Tatlong taon na raw siyang nagtitinda ng ice cream. Naikwento rin niyang nagkaroon ng tumor ang kanyang tuhod na namaga kaya kinailangan itong putulin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit hindi ito nakapigil sa kanya para siya ay maghanapbuhay para sa pamilyang umaasa sa kanya.

Dahil dito, mas lalo siyang hinangaan ni Basel. Kaya naman imbis na pambili sana ng kanyang tiles sa bahay, ibinigay na lamang niya ito sa ice cream vendor.

Pinakyaw na niya ang mga paninda na hindi naman niya kinuha at binigyan din niya ito ng ng pambayad ng renta sa bahay. At matira raw ay pandagdag naman sa puhunan niya sa negosyo.

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Labis na nagpasalamat ang ice cream vendor sa di inaasasahang biyaya na kanyang natanggap sa araw na iyon.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang isang lolo na papasok sa trabaho na nasiraan pala ng bike ang pinagmalasakitan din ni Basel.

Gayundin ang isang batang lalaki na nagtitinda ng basahan na nadaanan ni Basel ay nabiyayaan naman niya ng tablet na magagamit nito para sa kanyang online class.

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ay sikat na vlogger sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas.

Katunayan, marunong na siyang mag-tagalog sa labis na pagmamahal at respeto sa bansa. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel